Tulfo

Sen. Raffy hindi ligtas sa batikos

October 8, 2022 Aster Amoyo 405 views

LIKAS sa magkakapatid na Tulfo ang pagiging hard-hitting sa iba’t ibang social issues pagdating sa kanilang mga panulat maging sa kanilang programa sa radio at telebisyon na sinimulan ng eldest na si Ramon `Mon’ Tulfo.

Sumunod kay Mon ang kanyang mga nakababatang kapatid na sina Ben, Raffy at Erwin sa pagiging broadcast journalist habang ang isa nilang kapatid na babae na si Wanda Tulfo-Teo ay nanungkulang Dept. of Tourism Secretary nung panahon ni former Pres. Rodrigo Dutrte.

Si Raffy ay pang-walo sa siyam na magkakapatid at hindi nito ikinakaila na idolo niya ang kanilang eldest brother na si Mon pagdating sa public service kaya siya ang kauna-unahan among his siblings ang pumasok sa larangan ng pulitika.

Tulad ng kanyang mga kapatid na sina Mon, Ben at Erwin, si Raffy ay isa ring seasoned broadcast journalist at media personality at labas pa rito ang kanyang pagiging top Filipino influencer with over 24M subscribers sa kanyang YouTube channel. Kaya naman hindi kataka-taka ang paghamig niya ng 25M votes sa nakaraang national elections kung saan ay tumakbo siya bilang independent candidate sa pagka-senador and landed at No. 2 spot among the 12 elected senators.

Dahil sa nature ng kanyang trabaho bilang radio commentator and broadcast journalist, hindi ligtas si Sen. Raffy sa mga puna at batikos ng mga taong hindi pabor sa kanya. Hindi rin siya ligtas sa mga libel cases mula sa mga taong kanyang pinupuna at inilalabas ang `baho’ na bahagi na ng kanyang daiy grind.

Although hindi niya binu-broadcast ang mga tulong na kanyang ibinibigay sa mga taong nangangailangan, naging normal na ito kay Sen. Raffy na may sariling charity work kahit nung wala pa siya sa pulitika na mas lalo pang na-doble nang siya’y maging senador.

Unknown to many, he uses his own personal money para tumulong sa mga taong dumudulog sa kanya.

Over at the Senate, siya ang tumatayong chairman ng dalawang committee, ang Committee on Energy and Migrant Workers na kanyang tinututukan ngayon.

Luke

Luke endorser ng men’s underwear

SOBRANG nagpasalamat ang dating miyembro ng all-male dance group na Hashtags (ng noontime program na “It’s Showtime”)-turned Kapuso actor at celebrity endorser na si Luke Conde dahil siya ang napisil bilang pinakabagong brand ambassador ng mens product line, ang Hanford.

Last Friday, October 7 ay lumagda ng kontrata si Luke sa naturang brand kasama ang mga boss ng kumpanya.

Excited na rin si Luke sa kanyang nalalapit na pictorial dahil makikita ito sa iba’t ibang billboard sites.

Luke signed up with GMA nung July 16 2021 making him a Kapuso actor at unang proyekto niya ang “Wish Ko Lang” 19th anniversary presentation. Kasama rin siya ngayon sa hit TV series na pinagbibidahan ni Ruru Madrid, ang “Lolong” and is soon to start a new series.

Paolo

Janine at Paulo di pa rin umaamin

HANGGANG ngayon ay hindi pa rin umaamin sa kanilang totoong relasyon ang mga Kapamilya actors na sina Paulo Avelino at Janine Gutierrez na parehong alaga ni Leo Dominguez at ng ABS-CBN.

Ang dalawa ay unang nagsama sa Kapamilya TV series na “Marry Me, Marry You” kung saan nagsimula ang kanilang pagiging close sa isa’t isa.

Bukod sa madalas biruin ni Ogie Alcasid ang dalawa, nagsama rin sina Paulo at Janine sa series of shows ni Ogie sa Amerika kung saan pa nag-side trip si Paulo ng New York to visit his 12-year-old son na si Ethan Akio sa kanyang ex-girlfriend na si LJ Reyes na sa New York na ngayon naka-base.

Moira nakatagpo ng magmamahal sa kabila ng lahat

ANG elder sister ni Bunny Paras na si Sharmaine Arnaiz ang nagkuwento sa amin na masaya siya para sa kanyang pamangkin (eldest daughter of Bunny sa DJ-host na si Mo Twister (Mohan Gumatay) na si Moira (24) dahil sa kabila ng kanyang kapansanan ng pagkakaroon nito ng rare ailment na Friedrich Ataxia na siyang dahilan na hindi na ito nakakalakad at naka-depende sa wheelchair, nakatagpo ito ng tapat na lalaking nagmamahal sa kanya.

Ang dalawa ay nagkakilala sa Disney World in Florida kung saan nagta-trabaho si Moira as front desk officer.

Sa kabila ng kapansanan ni Moira, hindi ito nakapigil sa kanyang boyfriend na ngayon na ipakita sa kanya ang kanyang marangal na intention sa dalaga.

Since gustong makilala ni Bunny, her husband at mga anak nilang sila Connor, Ariana at Cody, lumipad ang mag-anak patungong Florida to visit Moira and at the same time ay para makilala na rin nila ang nobyo na ngayon ng dalaga.

Nakita ng mag-asawang Bunny at Tom Green kung gaano ka-mahal si Moira ng kanyang boyfriend na may trabaho at asikasong-asikaso ang kanilang anak.

Si Moira ay adopted na ng husband ni Bunny na si Tom kay gamit na rin ng dalaga ang family name na Green. Tom took care of Moira just like his own daughter kaya sobrang nagpapasalamat ang US-based former member ng “That’s Entertainment” at actress na si Bunny Paras na dumating sa kanilang buhay ang kanyang napakabait at supportive husband.

Sa kabila ng kapansanan ni Moira, she is able to work and move around (in her wheelchair).

Natutuwa rin ang mag-asawang Bunny at Tom na nakatagpo si Moira ng isang lalaking nagmamahal sa kanya despite her condition.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE