Lovi

Sen. Grace at Lovi close na close na

September 4, 2023 Aster Amoyo 297 views

GraceGrace1KUNG may isang magandang bagay na nangyari sa pagyao ng movie king na si Fernando Poe, Jr.  nung  December 14, 2004 ay ang pagkakalapit sa isa’t isa ng half-siblings na sina Sen. Grace Poe at Lovi Poe.

During the wake, it was their first time na nagkita at personal na nagkakilala ang mag-ate.  May isa pa silang kapatid, ang half-brother nilang si Ronian.

Magmula nang magkakilala sina Sen. Grace Poe at Lovi ay tuluy-tuloy na ang komunikasyon ng dalawa  at pagiging malapit sa isa’t isa.  Kaya naman, sa kasal mismo ni Lovi last August 26 sa  L.A.-based British businessman na si Monty Blencowe ay personal na inimbitahan ni Lovi ang kanyang Ate Grace who personally graced the occasion na ginanap sa Cliveden House in U.K.

Ayon kay Sen. Grace Poe, kung nabubuhay pa ang kanilang ama, tiyak na proud ito kay Lovi at siya rin mismo ang maghahatid nito sa altar.

Last Septesmber 3 sa 55th birthday ni Sen. Grace ay hindi nakalimot si Lovi sa pagbati sa kanyang ate sa pamamagitan ng post nito sa kanyang Instagram account kasama ang picture na magkayakap silang magkapatid at the wedding of Lovi and Monty.

Kahit may asawa na si Lovi at sa Los Angeles, California naka-base ang kanyang husband na si Monty, ipagpapatuloy pa rin ng singer-actress sa kanyang showbiz commitments sa Pilipinas at kasama na rito ang kanyang pagiging leading-lady ni Coco Martin sa tumatakbo nitong action-drama series na “FPJ’s Batang Quiapo” na TV adaptation ng isa sa mga classic hit movies ng kanilang amang si Fernando Poe, Jr., na pinagbibidahan mismo ni Coco na siya ring co-director, co-writer and co-producer ng hit primetime TV series on ABS-CBN.

Pagpapakasal nina Robi at Maiqui isang challenge

RobiMALAKING challenge sa engaged couple na Robi Domingo at Maiqui Pineda ang nalalapit nilang pag-iisang dibdib dahil sa health issues ni Maqui na may kinalaman sa pagkakaroon nIya ng rare autoimmnune disease. Sa kabila nito ay tuloy pa rin umano ang kanilang planong pagpapakasal bago magtapos ang taong kasalukuyan.

Robin at Maiqui got engaged early November 2022 sa gitna ng kilalang Shibuya Crossing in Shibuya, Tokyo, Japan na sinaksihan ng best friend ni Robin, Maiqui’s family and their close friends, ang magkasintahang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, Zanjoe Marudo at Ria Atayde maging si Joshua Garcia.

Between Robi and Maiqui, mas hands-on umano ang Kapamilya TV host sa planning ng kanilang nalalapit na wedding na ang hula ng iba ay baka itaon din sa petsa ng wedding ang kanyang engagement date in Japan last November.

Mga pelikula nina Nora at Vilma malamang magkatapat sa MMFF 2023

NoraVilmaSA darating na 29th ng September ang deadline ng submission ng finished movie entries kung saan kukunin ang apat pang natitirang pelikula to complete the Magic 8 entries para sa ika-48th Metro Manila Film Festival.

The first four official entries announced last July by the selection committee ng MMFF were based on scripts submitted at ang mga ito ay ang family drama movie na “A Mother and Son’s Story” na pinagbibidahan nina Sharon Cuneta at Alben Richards mula sa direksyon ni Nuel Naval at panulat ni Mel del Rosario.  Ang pangalawa ay ang “K(ampon),” isang horror-thriller movie kung saan naman ang mga pangunahing bida ay sina Beauty Gonzalez at Derek Ramsay na pinamahalaan ni King Palisoc.  Ang pangatlong entry ay ang action-fantsary movie na “Penduko” na pinamamahalaan ng writer-director na si Jason Paul Laxamana at tinatampukan nina Matteo Guidicelli at Cristine Reyes habang ang pag-apat na pelikula ay ang “Rewind,” ang balik-tambalan ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera mula sa pamamahala ni Mae Cruz-Alviar mula sa panulat ni Enrico Santos.

Inaasahan naman ang pagpasok ng magkahiwalay na pelikula nina Nora Aunor at Vilma Santos. Guy (Nora) headlines “Pieta” along with Alfred Vargas kasama sina Gina Alajar, Jaclyn Jose at Ina Raymundo mula sa direksiyon ni Adolfo Alix, Jr. habang si Vi ay balik tambalan with her screen perennial screen partner na si Christopher de Leon in the romance-drama movie na “When I Met You In Tokyo”.

Umaasa naman ang mga fans ni Nadine Lustre na makakapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival ang kanyang bagong entry na “Nokturno” na pinamamahalaan pa rin ng kanyang “Deleter” director na si Mikhail Red.  Isasali rinng Regal Entertainment ang kanilang bagong franchise ng “Shake, Rattle & Roll” .

Inaasahan na balik sigla ang 2023 Metro Manila Film Festival kapag nakapasok ang mga pelikula nina Nora at Vi.

Of course, sigurado nang pasok ang magkakahiwalay na pelikula nina Sharon at Alden, Beauty at Derek, Matteo at Cristine maging ang mag-asawang Dingdong at Marian.

Fans natuwa sa pagiging active ni JK

JKJK1MARAMING fans ni Juan Karlos Labajo or JK Labajo ang natuwa nang muli itong maging aktibo sa kanyang acting career sa bakuran ng ABS-CBN kung saan siya nagsimula pagkatapos ng unang season ng “The Voice Kids” in 2014.

Si JK ay isa sa mga tampok sa bagong series ng Kapamilya Network, ang “Senior High” kung saan sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri ang mga pangunahing bituin.

Halos limang taon din naging in-active ang singer-songwriter, actor at guitarist matapos mag-hit ang kanyang song na “Buwan” in 2018.  At that time, he was already in a relationship with model-actress na si Maureen Wroblebitz na sa kalaunan ay nauwi rin sa hiwalayan.

At that time ay tila unstable pa ang pag-iisib ni JK or immature pa siya sa kanyang mga desisyon laluna’t marami rin siyang pinagdaanan since she was a kid.

He was still baby na sila’y iwan ng kanyang German dad and he was 12 naman nang sumakabilang-buhay ang kanyang ina.  Lumaki siya sa pangangalaga ng kanyang Lola Erlinda at Uncle Jiovanni.  Dumaan din sila sa hirap kay tumulong siya sa pangangalakal para kumita ng extra.

Naging biktima rin ng bullying si JK sa school nung siya’y bata pa dahil sa kanyang mestizo looks.   It was in 2014 nang isali siya ng kanyang lola at uncle sa unang season hg “The Voice Kids” kung saan siya unang nakilala kahit hindi siya ang nanalo.  He was signed-up ng Star Magic ng ABS-CBN which started to build him up.

On television, he did “MMK,” “Ipaglalaban Ko,” at ilang series tulad ng “HawaK Kamay,” “Pangako sa `Yo” at “A Love to Last”.   Nakagawa rin siya ng ilang pelikula at kasama na rito ang “Tatlong Bibe,” “Blue Room,” “Ako si Ninoy,” “When This Is All over” at iba pa.

Comeback TV series naman niya ang  primetime series na “Senior High” after almost five years of absence.

Umaasa ang mga tagahanga ni JK na tuluy-tuloy na ang kanyang showbiz career hindi lamang sa may kinalaman sa kanyang acting kundi maging sa kanyang singing.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel.  Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE