Crime

Selosong kelot timbog dahil binoga ang dyowa

July 27, 2023 Edd Reyes 294 views

NATUNTON at nasakote ng pulisya ang mister na bumaril at malubhang nakasugat sa kanyang live-in partner sa Navotas City sa kanyang pinagtaguang lugar Miyerkules ng gabi sa Cavite.

Sina P/Capt. Luis Rufo, Jr, hepe ng Intelligence Section, P/Capt. Juanito Arabejo ng Investigation and Detective Management Section (IDMS) at P/Capt. Gregorio Cueto, Commander ng Sub-Station-3 ang inatasan ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig na magtungo sa Cavite para timbugin ang suspek na si Rodel Ordonio na tumakas makaraang barilin ang live-in partner na itinago sa alyas “Weng.”

Dakong alas-6:30 ng gabi nang madakip ang suspek sa kanyang pinagtaguang sa Phase 1 Blk 8, Excess Lot, Brgy. FVR Poblacion 6, GMA.

Ayon kay Capt. Arabejo, nagkaroon muli ng pagtatalo ang suspek at kalive-in bunga ng umano’y paulit-ulit na pagseselos ng lalaki Miyerkules ng madaling araw hanggang sa marinig ng kanilang mga kapitbahay dakong alas-5 ang pag-alingawngaw ng putok ng baril sa loob ng kanilang tirahan sa 459 Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).

AUTHOR PROFILE