Penduko

Sarah, todo suporta kay Matteo sa ‘Penduko’ preem sa Cebu

December 20, 2023 Ian F. Fariñas 188 views

BITBIT ni Mattteo Guidicelli ang misis na si Sarah Geronimo sa idinaos na red carpet premiere ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Penduko na isinulat at idinirek ng award-winning na si Jason Paul Laxamana.

Naroon din ang buong pamilya ng makabagong Pinoy superhero na as we all know ay matagal ding naka-base sa Cebu.

Mainit naman silang sinalubong ng mga kababayang Cebuano na talaga namang dumagsa sa SM para suportahan ang kauna-unahang MMFF entry ni Matteo.

Kasama nga rin palang lumipad nina Matteo pa-Cebu ang Penduko co-star niyang si Kylie Versoza.

Samantala, nakatakdang magkaroon ng ikalawang premiere night ang nasabing Viva Films offering bukas, December 22, sa SM Megamall Cinema 9.

Ang Penduko ay rated “G” ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Showing na ito sa mga sinehan nationwide simula Dec. 25.

AUTHOR PROFILE