Derek

Derek, nagpapagawa ng dalawang bahay

December 20, 2023 Jun Nardo 340 views

NAGPAPAGAWA na ng bahay sa Cebu si Derek Ramsay para sa kanila ni Ellen Adarna at may isa pa siyang ipagagawa sa isang village rito.

Nang makauap ng Marites University si Derek, naibalita niya na may kumakatok sa bahay nila sa Alabang at tinatanong kung ibinebenta niya ang bahay nila.

“Nagugulat ako kasi wala namang nakalagay na for sale ang bahay. Ilang tao na ang nagpunta roon asking if it’s for sale. Of course, not.

“Pero naiisip ko rin na Ellen and I want to raise a family. I’ll think it over muna,” pahayag ni Derek.

Para kay Derek, si Ellen ang babaing itinakda para sa kanya.

“I had several chick before. Long and short relationship. Itong kay Ellen, after two months na nagkakilala kami, we hit it off . So parang we were meant for each other.

“In fact, nagulat ang parents ko dahil ngayon lang ako nagsabi sa kanila na magpapakasal. Now, mas mabait pa sila kay Ellen kesa sa akin! Hahaha!” chika pa ni Derek.

Sa premiere pala ng comeback movie ni Derek na Kampon, katabi niya si Ellen at kasama rin ang parents ng aktor.

Ibang klaseng horror movie ang Kampon. Mahusay na si Derek, napakahusay pa ng batang lumabas na anak niya, si Erin Espiritu.

Masaklap lang dahil pinalabas si Erin ng sinehan bago ang screening dahil “R-13” ang rating nito sa MTRCB.

AUTHOR PROFILE