
Richard at Sarah, nasa proseso ng annulment?
Totoo kaya na kasalukuyan nang pinuproseso ang annulment ng marriage nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati?
Ito ang tsikang nasagap ni Ogie Diaz na ibinalita niya sa kanyang latest vlog.
“Ang narinig ko lang din, eh, ang inaayos ngayon, annulment. Narinig ko lang naman ‘yun,” aniya.
May nakausap din umano siyang source na nagsabing unfair para kay Richard ang napapabalita na nananakit ito ng asawa.
“’Yung pambugbog, hindi. Hindi raw binubugbog ni Richard si Sarah at alam daw ni Sarah ‘yun,” sey ni Ogie.
Sabi pa umano sa kanya ng source, “Ogie, kung totoong binubugbog ni Richard si Sarah, dapat ‘yan, nagreklamo na ng VAWC or ng Violence Against Women and Children. Agad-agad. Bakit wala siyang kibo?”
Hindi rin umano totoo na may ibang babae si Chard dahil ayon sa source niya, si Sarah umano ang may third party.
Sana nga ay magsalita na sina Chard at Sarah at nang sa gayun ay masagot at malinaw na ang mga tsikang ito.
Nilinaw naman ni Ogie na hindi si Annabelle Rama ang kanyang source. Hindi raw niya ito nakakausap. Ibang tao umano ang kanyang source na ang ipinu-point out lang naman ay hindi totoong may babae si Chard at nambugbog ng asawa.