Sarah

Sarah sinagot ang isyu ng mystery guy sa HK

April 3, 2024 Jun Nardo 150 views

IPINAGSIGAWAN ni Sarah Lahbati na single na siya kaya naman libre na siyang makita na may kasamang ibang lalaki.

Ito ang tugon ni Sarah nang uriratin sa viral photo niya kasama ang isang lalaki.

Hong Kong ng dinig naming lugar na pinuntahan niya kasama ang naturang mystery guy.

Rason ni Sarah, pangarap niyang mapuntahan ang lugar na ‘yon kaya masaya siya nang matupad ito kasama ang lalaking nakuhahang kasama niya sa picture.

Balik-showbiz na rin kasi si Sarah para sa isang TV series sa TV5, ang Lumuhod Ka Sa Lupa, kaya umiingay muli ang pangalan niya, huh!

AUTHOR PROFILE