Sarah Geronimo Sarah Geronimo

Sarah nakipag-meeting sa GMA execs

July 4, 2021 Aster Amoyo 721 views

LAST week, nabulabog ang netizens nang makita ang zoom meeting ni Anne Curtis with GMA executives sa pag-aakalang lilipat na rin ito sa dati niyang home studio tulad ng ginawa nina Pokwang, Bea Alonzo and soon si John Lloyd Cruz.

Anne Curtis
Anne Curtis

Totoong nakipag-meeting (via zoom) si Anne with GMA Pictures executives na sina Atty. Annette Gozon-Valdes at Joey Abacan kasama ang mga kinatawan ng Viva for a possible joint movie project sa pagitan ng GMA Pictures and Viva Films na personal na kinumpirma sa amin ng Viva big boss na si Boss Vic del Rosario. Pero hindi umano ito nangangahulugan na si Anne ang susunod na Kapamilya na lilipat ng GMA.

“Babalik ako ng “It’s Showtime” so kalma lang madlang pipol,” post ni Anne sa kanyang Instagram account at doon lamang tumahimik ang kanyang fans at Kapamilya watchers.

Bukod sa Star Cinema, may mga joint ventures din ang Viva with GMA Pictures at iba pang independent film producers.

Samantala, ang lipatan at ridogon ng mga talents mula sa rival networks ay noon pa nangyayari kaya hindi kataka-taka ang desisyon nina Bea Alonzo, Pokwang at iba pa na lumipat sa iba dahil sa maraming kadahilanan at number one factor dito ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN at ito’y labas pa sa pandemya which crippled the industry and the economy in general.

Although hindi pa lumalagda ng kontrata si John Lloyd, obvious na siya ang susunod na dating Kapamilya ang nakatakdang maging bahagi ng Kapuso network habang naghihintay pa ang marami sa magiging next move ng dalawa pa sa mga original Kapamilya stars na sina Piolo Pascual at Maja Salvador.

May mga nagsasabi naman na ang nararamdaman ngayon ng mga taga-ABS-CBN ay siya ring nararamdaman ng mga taga-GMA kapag lumilipat sa Kapamilya ang kanilang mga homegrown talents na ang most recent ay sina Janine Gutierrez at Sunshine Dizon.

Tala concert ni Sarah mapapanood sa GMA Pinoy TV

TIYAK na pag-uusapan din ng netizens ang kauna-unahang digital concert ng Pop superstar na si Sarah Geronimo, ang “Tala: The Film Concert” which was produced by Viva. Ang nasabing digital concert ay nakatakdang mapanood sa GMA Pinoy TV worldwide sa darating na July 19.

Although regular na napapanood si Sarah sa “ASAP Natin `To” ng ABS-CBN at may kontrata siya sa ABS-CBN, ang misis ni Matteo Guidicelli at maging si Matteo mismo ay nasa pangangalaga ng Viva. Labas ng ABS-CBN ang concert production ni Sarah under Viva.

Although Star Cinema ang madalas maka-joint venture ng Viva sa mga pelikula ni Sarah, hindi rin imposibleng makagawa ang Pop princess ng movie under Viva in co-production with GMA Pictures.

Dahil sa present situation, ang imposibleng mangyari noon ay nagiging posible ngayon.

Viva is open in co-producing films with different film outfits.

Jason ayaw ipapanood kay Vickie ang bagong pelikula

ISA ang Kapuso actor na si Jason Abalos sa original talents noon ng ABS-CBN bago siya lumipat ng GMA in October 2017. Sa bakuran ng Kapamilya unang nakatrabaho ng actor ang award-winning director na si Joel Lamangan sa pamamagitan ng TV drama series na “Vietnam Rose” na tinampukan din nina Maricel Soriano, Assunta de Rossi at John Estrada. Magmula noon ay hindi na muli nagkatrabaho ang dalawa until 16 years later. Si Direk Joel ang director ng sexy-drama movie na “Silab” kung saan tampok na mga bituin sina Jason at dalawang mga baguhang actors na sina Marco Gomez at Cloe Barreto na nakatakdang ipalabas sa Vivamax ngayong July 9, araw ng Biyernes.

Thirteen years naging bahagi si Jason ng Star Magic ng ABS-CBN kung saan nagsimula ang kanyang formative years bilang isang actor.

Kahit nasa GMA na si Jason, hindi niya umano maaaring kalimutan ang una niyang home studio kung saan siya nagsimula at nakilala.

Samantala, dahil sexy ang tema ng kanyang bagong movie ang “Silab,” ayaw umano niyang panoorin ito ng kanyang longtime girlfriend, ang actress at dating beauty queen na si Vickie Rushton.

Ngayong tapos na ang beauty pageant days ni Vickie, gusto ni Jason na pamilya naman ang kanilang paghandaan.

Bukod sa pagiging beauty queen, si Vickie ay naging ex-PBB housemate din kung saan din nasubok ang loyalty nito sa relasyon nila Jason.

Roxanne ayaw pa ring ipakita ang mister

HANGGANG ngayon ay wala pa ring plano ang singer-actress at ex-PBB housemate na si Roxanne Barcelo na i-reveal sa publiko ang identity ng kanyang foreigner husband dahil isa umano itong pribadong tao.

Although ibinahagi ni Roxanne ang kanyang pagsilang ng isang baby boy na tinawag niyang Baby Cinco nung isang buwan, hindi pa rin siya nagsi-share ng apelyido ng kanyang mister.

May sariling rason ang singer-actress kung bakit siya selfish na mag-share na may kinalaman sa kanyang husband. Ito’y kabaliktaran nung sila pa ng kanyang ex-boyfriend, ang model-turned actor at ex-PBB housemate na si Will Devaughn na may bago nang kasintahan, ang Filipino-Dutch host na si Cay Kujipers at anak na isa ring baby boy na si Magnus Orion.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE