Williehipon

Pagbubuntis ni Hipon Girl, dinenay ni Willie

July 4, 2021 Vinia Vivar 1296 views

Nilinaw ni Willie Revillame ang tsikang nabuntis niya si Herlene Budol na mas lalong kilala sa tawag na Hipon Girl.

Sa episode ng Wowowin, ayon sa TV host, wala itong katotohanan at pinangaralan ang gumagawa ng fake news.

“Natsitsismis ho, eh, nagkaanak daw ako kay Hipon at buntis daw. Hindi ho totoo ’yan! Puro fake news ang ginagawa n’yo!” ani Willie.

Binanggit din niya na dati ay ginawan na rin siya ng issue kay Kris Aquino.

“Pati kay Miss Kris Aquino. Mahiya naman kayo! Hindi ho totoo ‘yan! Huwag kayong naniniwala diyan. Pati ‘yung mga taong nananahimik…,” sey pa niya.

Halatang seryoso si Willie sa kanyang reklamo dahil nagpaplano rin siyang gumawa ng legal na aksyon.

“Papaano ba ‘yan ireklamo sa NBI? Pwede, ano? Hanapin n’yo nga ‘yung Facebook niya. Kaya raw nawala si Hipon nabuntis ko? Diyos ko naman!” ani Willie at pabiro pa niyang dugtong, “ano magiging anak namin, hipon?”

Matagal-tagal na kasing hindi nakikita si Hipon sa Wowowin.

Dito na nga nagsimulang mag-speculate ang ibang tao na walang magawa na kesyo nabuntis ito ni Willie.

SORPRESANG VIDEO MESSAGE, INIYAKAN

Naging emosyonal si Kapuso actress Jasmine Curtis-Smith matapos mapanood ang surprise video message mula sa kaniyang Mommy Carmen na naka-base ngayon sa Australia.

Parte ito ng naganap na FunCon na inorganisa ng GMA Pinoy TV nitong June 30. Nakasama ni Jasmine rito ang kaniyang co-stars na sina Alden Richards at Tom Rodriguez ng highly-anticipated primetime series na The World Between Us.

Aniya, “I miss my mom so much. We haven’t spoken kasi in like two weeks so thank you for that surprise. Like it’s making everything so worth it and I miss her so much.”

Sa naturang video message ay inilarawan ni Mommy Carmen ang anak na si Jasmine, “Very friendly siya and very loving daughter, ganyan, (and) mahilig siya kumain ng Pinoy food – beef steak, adobo, ganu’n.”

Dagdag pa ng kanyang ina, “Keep smiling and ‘wag kang masyadong mag-isip sa ngayon dahil I know that you’re always worried na hindi tayo nagkikita but I always love you.”

Samantala, makakasama rin nila sa serye sina Dina Bonnevie, Jaclyn Jose, Sid Lucero, Kelley Day at Yana Asistio.

’Wag palagpasin ang world premiere ng The World Between Us ngayong Lunes (July 5) sa GMA-7 at GMA Pinoy TV.

AUTHOR PROFILE