Sarah

Sarah, mangiyak-ngiyak sa mensahe sa G-Force

May 17, 2023 Vinia Vivar 204 views

Sa gitna ng controversial breakup nina Sarah Geronimo at Teacher Georcelle Dapat-Sy, leader at founder ng G-Force dance group, ipinahayag ng asawa ni Matteo Guidicelli ang kanyang pasasalamat sa nasabing team.

Ayon kay Sarah sa panayam ng ABS-CBN, naging malaking bahagi ng kanyang showbiz career ang grupo.

“Gusto ko lang pong i-express ‘yung aking pasasalamat sa bawat isa po na naging bahagi nitong aking 20th anniversary concert,” ang simulang pahayag ni Sarah.

Pinasalamatan niya ang direktor si Paolo Valenciano, ang buong production team, pati na ang kanyang mga dancer.

Nang matanong siya about Teacher Georcelle, ani Sarah, “Siyempre malaking bagay po sila ng career ko and it would have been more magical if they were there.”

Patuloy niya, “So, I wanted them to be there to celebrate my 20 years with me,” na at this point ay gumagaralgal na ang boses at nagiging emosyonal na.

“Baka maiyak ako,” nasambit na lang niyang natatawa at nagpasalamat na’t hindi na makapagsalita pa.

AUTHOR PROFILE