
Sarah at ‘Dati-Dati,’ nag-trending
SARAH Geronimo-Guidicelli is back! Pero sa pagkanta at hindi sa pag-arte. At hindi rin siya buntis.
Ang bagong single o kanta na Dati-Dati ang rason ng pagiging visible mui ng Pop Star Royalty.
Ito ang bago niyang paandar ngayong Oktubre.
Siyempre, nataranta ang fans niya sa kanyang teaser na inilabas last month sa IG.
Pero happy na rin sila dahil makakarinig muli sila ng bagong kanta mula kay Sarah.
Sa sobrang happy nila, top trending si Sarah kahapon pati na ang Dati-Dati.
KIKILIGIN
NAKU, kung hindi kaeksena ni Barbie Forteza si Dennis Trillo, malamang na kiligin na siya habang pinanonood niya ang sarili sa Kapuso series na Maria Clarab at Ibarra.
Pero kahit may pagka-comedy ang character ni Barbie sa historical serye, ang husay-husay niya maging sa mga dramatikong eksena.
Natural din ang pagiging mahusay ni Dennis sa pag-arte. Pati ang boses niya, eh, may kakaibang dating na parang galing sa lumang panahon.
Sa panahon ngayon, dapat panoorin ng mga estudyante ang series upang malaman ang nasa loob ng nobela ni Jose Rizal.
Kakaiba ang atake ni Direk Zig Dulay kung paano magsasanib ang makalumang panahon sa paningin ng isang Gen Z na si Barbie.