Sambayanan

Sambayanan para kay BBM, Sara

March 25, 2022 Jonjon Reyes 147 views

PORMAL na dumalaw at nakipagpulong si Ka Eric Celis ng Sambayanan Party-List sa grupong “Alliance of Leaders and Advocates for Marcos Sara” (ALAMS) sa Tondo Maynila upang ipagbigay alam nito ang kanilang suporta sa BBM-Sara UniTeam tandem.

Matapos na magtipon-tipon ang may mahigit sa 200 lider ng nasabing grupo mula sa iba’t-ibang lungsod ng Metro Manila, kabilang ang Isla Puting Bato at Parola sa Tondo kaugnay sa gagawing pagsuporta kina presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. (BBM) at Davao City Mayor Inday Sara Duterte sa darating na halalan sa Mayo 9, 2022.

Inimbitahan ng ALAMS ang Sambayanan Party-List na kinabibilangan ni Celis para makipagsanib pwersa ang mga ito para sa mga nangungunang mga kandidato mula sa UniTeam.

Si “Ka Eric” ay dating kasapi ng New People’s Army (NPA) at naging kalaban ng gobyerno kung saan tinututulan nila ang mga maling pamamalakad ng gobyerno subalit siya ay nagbalik at nagbaba ng armas mula sa kabundukan upang magbalik loob sa gobyerno sa ilalim ng administrasyong (Rodrigo) Duterte.

Nabigyan ng pagkakataong magbago at tumulong sa kapwa Pilipino si Ka Eric nagkaroon din ng pagkakataong lumahok sa pulitika at itinatatag nila ang “Sambayanan” na party-list na #175 sa balota.

Layunin ng grupo ni Celis na tulungan si BBM at Inday Sara sa kanilang mga magiging plataporma at proyekto para sa bansa. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE