Default Thumbnail

Salceda: Maraming ‘fiscal options’ si PBBM para sa mabilis na pagsulong

August 22, 2022 People's Tonight 323 views

MARAMING “fiscal options” si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. (PBBM) upang lalong mapabilis ang pag-unlad ng bansa, kasama ang paggamit sa P180 bilyong “non-tax” na pundo na wala sa “Budget of Expenditures and Sources of Funding (BESF),” ayon kay Albay Representative Joey Sarte Salceda, chairman ng Committee on Ways and Means ng Kamara.

Sa ginanap na kauna-unahang “Tax Symposium” ng SGV (Sycip, Gorres Velayo & Co.), isang prominenteng “accounting firm” sa bansa, sinabi ni Salceda na maraming handang pondo na magagamit ng Pangulo “para labanan ang ‘inflation’ o pagtaas ng presyo ng mga bilihin, gawin ang unang mga habang tungo sa seguridad sa pagkain, at proteksiyunan ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.”

Sinabi ni Salceda na “mayroong mga P180 bilyong na hindi mula sa buwis at wala rin sa BESF na magagamit ni Marcos Jr., kasama ang “equity withdrawals” mula sa mga institusyon sa pananalapi ng gubyerno na hindi nagamit sa ilalim ng Bayanihan 2 (Bayanihan to Recover as One Act) na lumipas na.

Ayon kay Salceda, maaari ring gamitin ng Pangulo ang hindi nagamit na pundo para sa “unconditional cash transfers” mula sa TRAIN [Tax Reform for Acceleration and Inclusion] Law, pinagbilhan ng “bunked gas” sa Ilijan Power Plant mula sa Malampaya field, at sa pinagbilhan ng dating Legazpi Domestic Airport.

AUTHOR PROFILE