Sharon

Sakit ni Sharon, dala ng fatigue at stress… nasintunado sa ‘E.A.T.’ dahil sa baradong ilong at magang lalamunan

July 16, 2023 Ian F. Fariñas 298 views

BARADONG ilong at magang lalamunan na papunta nang infection. ‘Yan ang nadiskubre ng doktor ni Sharon Cuneta nang magpatingin ang Megastar dahil sa ilang araw nang pagkakasakit.

Ito rin ang itinurong dahilan ng singer-actress sa ‘di inaasahang pagkasintunado niya nang kantahin ang Bituing Walang Ningning sa pilot episode ng TVJ show sa TV5 na E.A.T. noong July 1.

Ayon sa doktor niya, fatigue at stress ang sanhi ng lahat ng ito na sinasabayan pa ng pagkakaroon niya ng acid reflux.

Pagbabahagi ni Sharon sa Instagram, “Went to my doctor in St. Luke’s BGC yesterday. She inserted a camera into my nose and mouth. Sobrang clogged daw ang ilong ko and my throat is so swollen and papunta nang infection kaya ang dami kong gamot ngayon. Nasanay na lang daw ako sa feeling ng barado ang ilong at masama ang lagay ng throat kaya di ko na narerealize pag ganon (!). Haaaay… Kasi init/ulan lagi sa shooting namin. Before my guesting sa e.a.t. TVJ, weird na ang throat ko at naapektuhan na at sinabi ko na sa shooting yon isang gabi. Kaya pala wala akong boses sa e.a.t. nung nirequest doon na kantahin ko bigla ang part ng Bituing Walang Ningning… Dapat pala hiningi ko magbalot ng boses!”

Pinayuhan umano si Sharon na ipahinga pa ang kanyang boses nang isang linggo. Ibig sabihin, hindi pa rin siya makakabalik sa shooting ng Metro Manila Film Festival entry nila ni Alden Richards na A Mother and Son’s Story under Cineko Productions.

Patuloy niya, “Bukod daw sa fatigue, stress-induced daw. Kaya isang malaking ‘tenk yu’ sa mga nagbibigay sa akin ng stress pinasaDios ko na kayo! May acid reflux pa ako susmaryosep… Haaaay naman miss na miss ko na ang set namin at mga kasama ko doon mula kay Direk Nuel @directfromncn hanggang kay @jackielou.blanco at siempre ang anak kong mahal na mahal ko at mahal na mahal ako! @aldenrichards02.”

AUTHOR PROFILE