Martin & Duterte Pangulong Rodrigo Roa Duterte at House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez

Romualdez pinasalamatan si PRRD

March 30, 2022 Ryan Ponce Pacpaco 166 views
Yedda
Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez

Majority Leader: PDU30 nagbigay ng pag-asa, magandang kinabukasan sa PH

NAKIISA si House Majority Leader at Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez sa bansa sa pagpapaabot ng pinakamainit na pagbati kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagdiwang ng kanyang ika-77 kaarawan nitong Lunes.

“Nakikiisa ako sa bansang Pilipino sa pagpapaabot ng aming pinakamainit na pagbati kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa okasyon ng kanyang ika-77 kaarawan ngayon,” ani Romualdez, presidente ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD).

Pinuri rin ni Romualdez ang matatag na pamumuno ni Duterte, lalo na sa panahon ng pandemya upang matiyak ang ligtas at magandang kapaligiran ng bansa.

“Sa ating pagsasama sa kanya sa pagdiriwang, nais din naming ipahayag ang pasasalamat ng isang bansang nagpapasalamat sa lahat ng mga personal na sakripisyo na ginawa ng Pangulo para pagsilbihan ang kanyang mga kababayan. Makatitiyak ka, Ginoong Pangulo, na ang iyong mga serbisyo sa bansa ay magiging naaalala sa mga susunod na henerasyon,” dagdag ni Romualdez.

Hangad ni Romualdez ang patuloy na tagumpay ni Pangulong Duterte sa katuparan ng kanyang mga mithiin para sa sambayanang Pilipino.

“Kami rin ay nagdarasal sa Poong Maykapal na nawa’y bigyan Niya si Pangulong Duterte ng higit pang mga taon ng mabuting kalusugan, kapayapaan at kagalakan kapwa sa kanyang publiko at pribadong buhay. Nawa’y patuloy siyang patnubayan ng Diyos sa kanyang paghahanap ng mga paraan upang mapabuti ang kalagayan ng ating mga mamamayan at magbigay ng ligtas na pamayanan para sa bawat pamilyang Pilipino. Maligayang kaarawan, Ginoong Pangulo! Salamat sa pagbibigay mo sa amin ng pag-asa at sa paglalatag ng pundasyon ng isang magandang bukas para sa mga Pilipino,” dagdag ni Romualdez.

Binati rin ni Tingog party-list Rep. Yedda Marie K. Romualdez, asawa ni Romualdez at chairperson ng House Committee on the Welfare of Children, ng maligayang kaarawan si Pangulong Duterte.

“Nawa’y higit kang pagpalain gaya ng pagpapala mo sa iba! Maligayang kaarawan sa isang kahanga-hangang Pangulo ng Pilipinas!” Sinabi ni Rep. Yedda.

Sinabi ni Speaker Lord Allan Velasco na “binabati namin ang ating mahal na Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng isang maligayang kaarawan at mahabang malusog na buhay.”

“Mr. President, lubos kong kasiyahan na makilala ka sa loob ng maraming taon, at talagang isang karangalan na ituring na iyong kakampi at kaibigan. Ako ay pinalad na maging isa sa mga benepisyaryo ng iyong karunungan,” sabi ni Velasco.

“Sa ngalan ng Kapulungan ng mga Kinatawan at ng sambayanang Pilipino, salamat sa lahat ng ginawa ninyo para sa ating bansa. Nawa’y manatili sa puso’t isipan ng mga susunod na henerasyon ang pamana ng makabuluhang pagbabago at komprehensibong pag-unlad. enjoy your special day, surrounded by the warmth of your family and loved ones. Nawa’y pagpalain ka ng Diyos, ingatan ka, at palakasin ka palagi,” ani Velasco. Kasama si Blessie Amor, OJT

AUTHOR PROFILE