Robin

Robin sa mga bashers: It’s my faith

July 28, 2023 PS Jun M. Sarmiento 142 views

BAHAGI ito ng aking pananampalataya.”

Ito ang depensa ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla sa hand gesture na “Kalima La ilaha ilalah” na ipinapakita niya sa pag-awit ng “Lupang Hinirang.”

Sa kanyang pakikipagpulong sa mga bisita galing sa Malaysia, iginiit ni Padilla na pinakamahalaga sa kanya ang kanyang pananampalataya. Dagdag ng mambabatas, ginagawa niya ito tuwing inaawit ang “Lupang Hinirang.”

“I always do the ‘Kalima La ilaha ilalah’ with my hand here. Why can’t you do that? I would rather resign than somebody telling me I cannot (practice) my faith,” aniya tungkol sa gesture na pinapakita na iisa ang Diyos.

Dagdag niya: “I will never, never exchange my faith to be a politician.”

Noong Lunes, na-bash si Padilla dahil sa kanyang hand gesture habang inaawit ang “Lupang Hinirang” bago ang pangalawang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ani Padilla, handa siyang bumitiw sa kanyang pwesto kaysa pagsabihang hindi niya ipakita ang kanyang pananampalataya.

“If I will not be successful in pushing for a federal parliamentary form of government I’d rather be an imam, I’d rather go to Malaysia and study the Koran than be a senator,” dagdag niya.