Kotong ANYARE, BOY?–Kinakausap ni Police Lt. Col. Nelson Cortez (kaliwa) ang suspek na nagpanggap na miyembro ng MTPB matapos matimbog na nangongotong. Kuha ni Jon Jon Reyes

Rider timbog sa pangongotong

April 2, 2024 Jonjon Reyes 82 views

NATIMBOG ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD)-Malate police station 9 ang isang rider ng Lalamove na nabuking na nangongotong sa miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa Pedro Bukaneg St., Malate, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Nelson Cortez, hepe ng MPD-Malate Police Station 9, bandang alas-6:00 ng gabi ng magreklamo ang biktima tungkol sa insidente.

Ayon sa salaysay ng complainant sa pulisya, pinara siya ng suspek na naka uniporme pa ng MTPB nang tangkain nitong kunin ang kanyang driver’s license dahil sa swerving violation.

Bukod sa kasong robbery-extortion, nahaharap din ang suspek sa paglabag sa Article 179 ng Revised Penal Code (Usurpation of Authority).

AUTHOR PROFILE