Default Thumbnail

Rider, backride sumalpok, tigok

March 15, 2024 Jojo C. Magsombol 80 views

PATAY ang rider pati ang angkas noong Miyerkules ng mabangga ang motorsiklo nila sa truck sa Brgy. Sabang, Tuy, Batangas, ayon sa report ng pulisya.

Nakilala ang namatay na si Mark Gian Hernandez, 31, at ang backride na si Retito Ramirez Bautista, 36, ng Brgy. San Mateo, Dasmariรฑas, Cavite.

Sa imbestigasyon bandang alas-4:30 ng umaga, binabaybay ng Yamaha Sniper (186 UPO) ang kalye sa Brgy. Sabang, Tuy patungong Tagaytay City nang mabangga sa likod ng 10-wheeler Isuzu truck cargo dropside (XLS 61657) habang nakaparada sa outer lane ng kalsada.

Isinugod ng mga nakakita sa insidente ang dalawa sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital para magamot ngunit dead-on-arrival na si Hernandez, ayon kay Dr. Aron Ravanes.

Matinding pinsala ang inabot ng motor sa aksidente.

AUTHOR PROFILE