
Richard ilang beses muntik mamatay
UNKNOWN to many, dalawang beses nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ng veteran singer, hitmaker, host at actor na si Richard Reynoso. Unang nung siya’y sumalalim ng operation sa kanyang thyroid cancer in 2019 at pangalawa nang siya’y magka-Covid nung 2021 na inakala niyang hindi na niya makikitang muli ang kanyang pamilya having been in the ICU for seven days nang siya’y kapitan ng Delta variant. Katunayan, nabigyan na siya ng kanyang final sacrament sa pag-aakalang hindi na siya makakaligtas. Iniwasan din ng doctor na siya’y ma-intubate sa paniniwalang he had a very slim chance na maka-survive. Pero mukhang hindi pa niya panahon dahil muli siyang binuhay ng Diyos.
He was diagnosed of thyroid cancer in 2018.
Limang oras ang ginugol ng mga doctor sa kanyang thyroid operation to make sure na hindi apektado ang kanyang pagsasalita at boses kaya after several months of resting and recovering, nakabalik din siya sa kanyang singing career.
“Dumating ako sa point na akala ko hindi ko na makikitang muli ang pamilya ko, ang mga anak ko,” aniya.
“But God has other plans for me,” dugtong pa niya.
Si Richard ay nakilala nung dekada nubenta as `90s Prince of Ballad” having churned out ballad hit songs tulad ng “Hindi Ko Kaya,” “Paminsan-Minsan,” “Maalaala Mo Pa Rin” at iba pa.
Bago pa man siya makilala nang husto ay may kontrata na siya noon sa bakuran ng Viva where he recorded several theme songs pero ang kanyang singing career ay umalagwa nang husto nang siya’y lumipat ng Alpha Records na siyang nagbigay sa kanya ng sunud-sunod na hit songs making him one of the most in-demand singers-performers in the 90s.
Ang kanyang signature hit song na “Hindi Ko Kaya” ay kinompos ng singer-composer na si Aaron Paul del Rosario. Ang nasabing awitin ay unang sumikat sa probinsya bago sa Metro Manila.
Hanggang ito’y masundan ng “Paminsan-Minsan” at “Maalaala Mo Pa rin” at iba pa.
Naging isa rin siya sa mga paborito noon ng yumaong veteran singer, actress and producer na si Armida Siguion-Reyna na isama sa kanyang weekly musical special on TV ang “Aawitan Kita” at ginawa rin siyang regular performer and co-host noon ng Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno sa kanyang dating Sunday musical variety show, ang “GMA Supershow maging sa dating game program ng yumaong actor-comedian-host-producer na si Pepe Pimentel. He also tried acting at nakagawa ng ilang pelikula at TV series.
Although he is a successful solo singer and performer, isa siya sa nagbuo at miyembro ng The Hitmen na kinabibilangan din ng ibang singers and former hitmakers tulad nina Chad Borja, Rannie Raymundo at Renz Verano na madalas magtanghal sa ibang bansa.
“Meron kaming solo careers as singers-performers pero meron din kami bilang grupo, ang The Hitmen,” kuwento pa ni Richard na isa rin sa mga miyembro ngayon ng Board of Directors ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).
Sa aming panayam kay Richard, inamin nito na naging kasintahan niya noon ang singer-actress na si Rachel Alejandro na kasamahan niya rin dati sa Alpha Records maging sa “Aawitan Kita” with Armida Siguion-Reyna. Since mga bata pa sila noon at parehong may ambisyon for their respective singing careers, nauwi sa hiwalayan ang kanilang relasyon pero nanatili silang magkaibigan and would love to work with her again in the future kung magkakaroon ng pagkakataon.
Richard is happily married sa kanyang flight attendant wife na si Maria for 25 years and they are blessed with two lovely daughters na sina Dana and Abby who both sing.
For more of Richard, please watch “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel.
Marian balik-primetime, Max excited maging kontrabida
BALIK-primetime ang misis ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera after four years of not doing any TV series.
Si Marian ay ipapareha kay Gabby Concepcion kung saan si Max Collins ang gaganap na kontrabida na unang beses niyang gagawin. Makakasama rin sa nasabing serye sina Gabby Eigenmann, Raphael Landicho, Kiray Celis, Buboy Villar, Tart Carlos, Caitlyn Stave at Josh Ford.
Samantala, bukod sa bagong TV series with Marian, si Max ay napapanood din sa weekly sitcom (every Sunday at 7:50 p.m.) with Bong Revilla and Beauty Gonzalez sa “Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis” also on GMA.
Excited si Max na makatrabaho for the first time sina Marian at Gabby.
Samantala, hiwalay man si Max sa kanyang ex-husband, ang Kapuso actor na si Pancho Magno, they are co-parenting their only son na si Skye, turning 3 on July 6.
Alden at Sharon excited sa gagawing pelikula
PAREHONG excited ang Megastar na si Sharon Cuneta at Kapuso prized actor na si Alden Richards sa kanilang kauna-unahang film project under Cineko Productions na pamamahalaan ni Nuel Naval mula sa panulat ni Mel del Rosario. Makakasama rin sa still untitled movie sina Tonton Gutierrez at Miles Ocampo kaya ang nasabing proyekto ay magsislbing reunion nina Sharon at Tonton na makailang beses gumawa ng pelikula sa bakuran ng Viva Films noong araw. Kasama rin sa movie si Ina Feleo na siya ring tumatayong workshop coordinator for the movie.
Si Alden ay isa sa pinaka-busy among the Kapuso actors. Katatapos lamang niyang gawin ang first team-up din nila ni Julia Montes, ang “Five Break-ups and A Romance” na pinamahalaan ni Irene Villamor. He is also hosting the new talent show ng GMA, ang “Battle of the Judges” kung saan tampok na mga hurado sina Boy Abunda, Bea Alonzo, Jose Manalo at ang SVP ng GMA at President ng GMA Pictures na si Annette Gozon-Valdes.
Bukod pa ito sa pagiging isang successful entrepreneur ni Alden na kasabay ni Maine Mendoza pumaimbulog ang career nung July 2015 sa pamamagitan ng dating sikat na segment ng “Eat Bulaga,” ang “Kalyeserye”. This portion propelled into stardom nina Alden at Maine making them a phenomenal loveteam during that time. Pero ito’y naging shortlived nang maging nobyo ni Maine ang Kapamlya actor-turned politician and producer na si Arjo Atayde matapos magsama ang dalawa sa isang Metro Manila Film Festival movie in 2018, ang “Jack Em Popoy” kung saan mga tampok na bituin sina Vic Sotto at Coco Martin.
Maine is now engaged to Arjo and planning to get married before the year is over habang nananatili pa ging unattached hanggang ngayon si Alden na sobrang focused sa kanyang career at pagiging isang matagumpay na entrepreneur.
Sylvia, Arjo at Ria sobrang hands on sa kanilang production outfit
MAY sarili nang production outfit ang mag-iinang Sylvia Sanchez at mga anak na sina Arjo at Ria Atayde, ang Nathan Studios . Ang Nathan ay pangalan ng kalye sa isang exclusive subdivision kung saan nakatira ang pamilya Atayde.
Although nakabukod na ng tirahan si Arjo na siyang ring kinatawan ng unang distrito ng Quezon City, he frequents his family’s house to bond with his parents and younger siblings.
Ang mag-iinang Sylvia, Arjo at Ria ay pare-parehong hands-on sa kanilang bagong tatag na production house at ang isa sa mga succesfull produced projects ng kumpanya ay ang action, crime-thriller series na “Cattleya Killer” kung saan tampok sina Arjo, Zsa Zsa Padilla, Jake Cuenca at Jane Oineza at isa ngayon sa mga hit materials on Amazon Prime Video.
Totoo kayang binayaran ito ng $250,000 ng Amazon at kumita ang Nathan Studios ng mahigit $100,000?
Kung hindi man busy ngayon ang ina nina Arjo at Ria sa paggawa ng bagong teleserye ay dahil nakatutok ito sa kanilang bagong production at pagdalo sa iba’t ibang international film festival abroad para mailako ang kanilang proyekto .
Very hands-on si Sylvia maging ang dalawa niyang anak sa pagpapatakbo ng Nathan Studios.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@aster_amoyo and Twitter@aster_amoyo.