Arci

Arci gusto nang magkaanak kahit wala pang asawa

April 3, 2025 Aster Amoyo 202 views

Arci2Arci1MARAMI ang naniwala sa April Fools Day (April 1) prank ng singer, actress, model at Philippine Air Force Reservist na si Arci Munoz nang mag-post ito sa kanyang Instagram account ng isang cute little girl na inakala ng nakakita ng kanyang post na ito’y anak niya. Naka-dagdag ng curiosity sa marami ang caption niya sa litrato ng bata, “Been waiting for the right moment to tell the world about you my sweet #Estrella soo blessed to have ya my little princess,. Love you,” with face and heart emoji.

Since wala pa siyang sariling anak, mahal na mahal niya ang kanyang mga pamangkin to a point of even spoiling them.

At 36 (turning 37 on January 27, 2026), handang-handa na ang singer-actress na magkaroon ng sarili niyang pamilya but only when she finds her `Mr. Right’.

Si Arci ay produkto ng talent reality show na “StarStruck: The National Invasion” nung 2005 na naging daan ng kanyang pagiging contract talent n GMA Artist Center (now Sparkle GMA Artist Center) until 2010 at pagkatapos nito ay lumipat siya ng TV5 where she stayed until 2014. Then she moved to ABS-CBN on same year where she did a couple movie TV series and movies.

Ang kanyang huling ginawang TV series ay ang “Walang Hanggang Paalam” nung 2020 and 2021. The role was first offered to Julia Montes and then Nadine Lustre who both backed-out dahil sa Covid-19 pandemic kaya ito napunta kay Arci who readily accepted the project.

Mapapanood si Arci sa isang bagong movie, ang “Sinagtala” under Sinagtala Productions kung saan niya co-stars sina Rhian Ramos, Glaiza de Castro, Rayver Cruz at Matt Lozano na pinamahalaan ni Mike Sandejas.

Donita masaya sa pagiging chaperone ng bagong asawa

DonitaDonita1KAHIT sa Amerika na naka-base ang Fil-American actress and former VJ host na si Donita Rose (50), willing pa rin siyang magpabalik-balik ng Amerika at Pilipinas kapag may magandang project. Pero sa ngayon ay ini-enjoy niya ang kanyang (second) married life with her new husband, ang gospel singer, host at recording artist na si Felson Palad. The couple got married on September 24, 2022 sa isang private estate in San Clemente, California, USA.

Si Donita ay may nag-iisang anak na si Joshua Paul (JP) – 24- sa kanyang ex-husband ang, Fil-Am na si Eric Villarama. The former couple got separated nung 2016 nang malaman ng actress na may third party sa kanilang pagitan.

Dahil sa pandemic, Donita got less and less projects in the Philippines kaya nag-desisyon siyang mag-relocate sa Amerika at dito niya nakilala ang kanyang husband na ngayon na si Felson. At that time ay nagwu-work pa si Donita bilang executive chef ng Island Pacific (chain of Filipino supermarkets in California,USA) na pag-aari ni Nino Lim, mister ng dating Kapuso actress na si Krista Ranillo.

Umalis umano si Donita sa kanyang trabaho sa nasabing supermarket dahil nagkaroon umano sila ng rift ng another L.A.-based actress-host, ang Fil-Am na si G Toengi who also works for the same supermarket and is in charge of marketing.

Being an executive chef, Donita can always work for other restaurants and food business pero mas gusto ng kanyang mister na si Felson na kasa-kasama niya ang kanyang misis sa kanyang iba’t ibang singing and hosting engagements, bagay na ini-enjoy naman ng dating MTV Asia VJ at former member ng “That’s Entertainment” ng namayapang si German `Kuya Germs’ Moreno.

Mikee emosyonal nang umamin sa breakup nila ni Paul

PaulSABAY na nag-guest ang dalawa sa lead stars ng bagong TV series ng GMA, ang “Slay” na sina Gabbi Garcia at Mikee Quintos to promote their new show sa “Fast Talk with Boy Abunda” kung saan hindi inaasahang matatanong si Mikee ng King of Talk na si Boy Abunda kung totoong hiwalay na sila ng kanyang nobyong Kapuso actor na si Paul Salas.

Hndi marahil inaasahan ni Mikee na ito’y matatanong sa kanya ni Boy lalupa’t sariwa pa ang sugat ng kanilang break-up ni Paul.

Naging emotional ang aktres at inamin nito na hiwalay na nga sila ng kanyang (ex) boyfriend of four years na si Paul. Pero klinaro ng Kapuso actress na wala umanong third party sa kanilang break-up at naging mutual ang kanilang decision na wakasan na ang kanilang relasyon.

Thankful si Mikee sa kanyang mga kaibigan lalung-lalo na ang kanyang best friend na si Gabbi for being there to support her. She’s also glad na busy siya ngayon sa taping ng bago niyang serye, ang “Slay” kung saan niya mga kabituin sina Julie Anne San Jose at Ysabel Ortega.

Si Paul ay maituturing na nagmula sa isang showbiz royalty. Anak siya ng dancer na si Jim Salas na miyembro ng dating sikat na dance group, ang Universal Motion Dancers. Uncle naman niya sina Dingdong Dantes at Arthur Solinap habang pinsan naman niya ang Kapamilya actor na si Enrique Gil.

Paul was previously in a relationship with Kapamilya actress na si Barbie Imperial na na-link din kay Diego Loyzaga bago sa “Incognito” lead actor na si Richard Gutierrez.

Si Mikee naman ang naging kasintahan ni Paul nang siya’y bumalik sa bakuran ng GMA from ABS-CBN.

KimPau kinilala sa Amerika dahil para sa kontribusyon sa Asian Cinema

KimSA gitna ng kanilang pagpu-promote at meet & greet with their Filipino fans in Los Angeles, California, USA, ang lead stars ng pelikulang “My Love Will Make You Disappear” na sina Kim Chiu at Paulo Avelino ay personal na tinanggap ang recognition certificate mula sa California State Assembly na nilagdaan ni California 65th district assembly member na si Mike Gipson bilang pagkilala sa kanilang kontribusyon sa Asian cinema.

Masaya ang rumored couple dahil hindi nila inaasahan ang recognition certificate na iginawad sa kanila.

Ang pelikulang “My Love Will Make You Disappear” ay movie directorial debut ni Chad Vidanes. Ito rin ang first movie team up ng dalawang stars matapos silang magtambal sa dalawang hit TV series, ang “Linlang” at ang Philippine adaptation ng K-drama series na “What’s Wrong with Secretary Kim”.

Since maganda ang ipinakitang chemistry nina Kim at Paulo, sana’y mag-last din ang kanilang relasyon dahil noted si Paulo sa hindi pagla-last ng relasyon sa mga past girlfriend nito.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTAlK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE