Guess

Miyembro ng all-male singing group nambitin ng acclang negosyante

April 2, 2025 Jun Nardo 154 views

NAGKITA raw sa isang showbiz event ang isang member ng all-male singing group na lumalabas paminsan-minsan sa showbiz at ang acclang negosyante.

Nagbatian naman ang dalawa pero nang tumalikod na si boy, nabanggit niya sa acclang kasama na nahumaling siya sa lalaking nakitang muli, huh!

Dahil accla, todo bigay siya ng kung anu-ano sa lalaki. Hanggang humiling si accla ng one-night stand.

Pumayag si male singer na magkita sila sa isang hotel na binook ni accla. Matapos ang shower, at nang handa na si acclang sibasibin si lalaki, bigla itong umatras!

Rason ni boy, hindi niya masikmurang makipag-sex sa accla.

Pinauwi na lang siya at tinapos na ni accla ang kalokahan sa male singer.

MARK NAG-REACT SA PAGDEDEMANDA NI JOJO

Mark1HANDA nang magsampa ng pormal na reklamo ang Revival King na si Jojo Mendrez laban sa aktor na si Mark Herras para sa umano’y grave threat niya sa singer.

Nagtungo sa Kamuning, QC police station si Jojo kasama ang kanyang lawyer nu’ng April 1 para magpa-blotter.

Holiday kasi nu’ng Lunes kaya ayon sa lawyer ni Jojo, sa Fiscal’s Office ang next move nila ni Jojo kahapon, April 2.

Halos hindi makapagsalita si Jojo nang interbyuhin ng kasamahang Morly Alinio sa labas ng police station.

Hindi siya nag-elaborate sa reklamo niya.

Samantala, nagsalita na rin si Mark kay MJ Marfori ng TV5.

Bahagi ng pahayag niya, eh, hindi niya ugali manakot ng tao.

“‘Di ko ugali ‘yan. I’d rather give my time and energy sa pamilya o kaya naman sa work/raket.”

Wrong guy raw si Mark na hindi sila papatulan.

AUTHOR PROFILE