Frasco

Rep. Frasco nanguna sa water project inauguration sa Cebu

October 14, 2023 Mar Rodriguez 207 views

Frasco1Frasco2PINANGUNAHAN ni House Deputy Speaker at Cebu 5th Dist. Cong. Vincent Franco “Duke” Frasco ang inauguration ng bagong water system sa Sitio Upper Bungtod, Barangay Campo, Cebu City.

Sinabi ni Frasco na layunin ng proyekto na magkaroon ng sapat na tubig para sa mga residente ng bayan ng San Francisco, Camotes partikular na sa mga residente ng Upper Bungtod na dumadaing ng walang sapat na suplay ng tubig.

Nabatid sa House Deputy Speaker na nagkakahalaga ng P5 million ang water project.

Sa oras na matapos ang proyekto, maiibsan ang matagal nang problema ng mga residente sa kakapusan ng maayos at maasahang supply ng tubig.

Nagtungo din sa Campo Integrated School ang mambabatas para naman sa ground breaking ng ipapatayong 1-storey, 3-classroom building project na nagkakahalaga ng P10 million.

Kasabay nito, nag-donate din ang kongresista ng P40,000 para sa Parent’s Teachers Association (PTA) ng Campo Integrated School.

Nagbigay din si Frasco ng P100,000 para sa San Francisco Schools District bilang bahagi ng pagdiriwang ng “World Teacher’s Day” at P24,000 para sa mga estudyante ng Campo Integrated School.

AUTHOR PROFILE