Marco1

Relasyon nina Marco at Cristine di na itinatago

April 25, 2023 Aster Amoyo 382 views

MarcoMarco2​OPEN na ang relasyon ng Viva actor na si Marco Gumabao with his co-Viva artist na si Cristine Reyes matapos itong mag-post ng iba’t ibang sweet moment photos nilang dalawa sa kanyang Instagram and Facebook accounts last Monday, April 24.

​“You are my home and my adventure all at once,” mensahe niya sa kanyang Instagram account referring to their sweet photo na hinahalikan niya sa pisngi ang nakababatang kapatid ni Ara Mina na kuha sa isang beach.

​Cristine (34) is 6 years older kay Marco and is separated sa kanyang ex-husband, ang martial artist at actor na si Ali Khatibi with whom he has an 8 year-old daughter na si Amarah. Marco is 28 at binatang-binata.

​Ngayong bukas na ang pag-iibigan nina Marco at Cristine, wala nang dahilan para itago pa nila ito sapubliko. After all, pareho naman silang single ngayon.

​Sina Marco at Cristine ay huling nagkasama sa “Martyr or Murderer” ng Viva Films.

​Ngayong parehong inspired sina Marco at Cristine, mas ganado sila ngayon sa kanilang respective works.

​Si Marco ay bahagi ng weekly sitcom ng TV5, ang TV adaptation ng “Kurdapya” kung saan tampok sina Yassi Pressman, Ryza Cenon at Nikko Natividad. May isa ring serye na nakatakda niyang simulan sa GMA and another movie under Viva Films.

​Si Cristine naman ay nakatakdang gumawa ng dalawang bagong movie under Viva Films, ang romantic comedy na “Kidnap for Romance” and another film with another Viva actor na si Baron Geisler.

​Samantala, hindi ipinagkakait ng singer-actress ang kanyang anak na si Amarah sa ama nitong si Ali Khatibi . Maganda ang co-parenting set-up ng dating mag-asawa who are both present sa mga school and other important occasions ng bata.

Pamununo ni Pip sa FDCP nabahiran ng intriga

ParangalParangal1Parangal2ANG 1970’s matinee idol at award-winning actor na si Tirso Cruz III ang chairperson ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ngayon. Under his helm ay namigay ang nasabing body ng kanilang kauna-unahang Annual Achievements at Lifetime Achievements Awards sa pamamagitan ng Parangal ng Sining na ginanap sa Grand Ballroom ng Seda Hotel – Vertis North in Quezon City nung linggo, April 23 ng gabi. Ang mga kauna-unahang recipients ng mga parangal (Lifetime Achievement Awards) ay ang Star for All Seasons, award-winning actress at dating politician na si Vilma Santos, ang Regal matriarch at film producer na siMother Lily Monteverde, ang multi-awarded filmmaker, film historian, film literacy advocate, film producer, author at director of the Center for New Cinema na si Nick de Ocampo at ang Cinemalaya represented by director-actress na si Direk Laurice Guillen.

​Ang annual achievement awardees naman ay sina Dolly de Leon, Soliman Cruz at ang young filmmaker na si Martika Escobar.

​Among this year’s awardees ay hindi nakarating sina Mother Lily Monteverde but was represented by her daughter film producer na si Roselle Monteverde habang si Nick de Ocampo naman ay nasa Barcelona, Spain and the trophy was received on his behalf ng kanyang pamangkin.

​Ang Drama King at perennial screen partner ni Vilma Santos na si Christopher de Leon ang nagpakilala sa kanyang partner in 27 movies na si Vi bilang isa sa mga tumanggap ng Lifetime Achievement Award. Ang veteran and award-winning writer-director na si Joey Javier Reyes naman ang ang nagpakilala kay Mother Lily Monteverde represented by her daughter na si Roselle Monteverde, ang director na si Raymond Red kay Nick de Ocampo, si Paolo Villaluna kay Martika Escboar, si Ruby Ruiz kay Soliman Cruz at si Joel Saracho sa international actress na ngayong si Dolly de Leon, ang kauna-unahang Filipino actor na nominated as Best Supporting Actress sa Golden Globe Awards at British Academy of Film and Television Arts (BAFTA) for her portrayal sa kanyang unang Hollywood movie, ang “Triangle of Sadness”.

​Kahit first time pa lamang mamigay ng Parangalbng Sining ang FDCP sa illalim ng pamumuno ni Pip (Tirso Cruz III) ay nabahiran na agad ito ng mgaintriga na kesyo inisnab ng body ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor.

​Samantala, bukod sa mga recepients at presentors, dumating din ang Diamond Star na si Maricel Soriano na napakaganda ng gabing `yun in her Filipiniana outfit. Bukod kay Direk Laurice Guillen, naroon din ang kanyang dalawang anak na sina Ana at Ina Feleokasama ng Italian businessman husband nitong si Giacomo Gervasutti. Naroon din ang wife-manager niPip na si Lyn Cruz and their lovely daughter na si Djanin Cruz. In full force naman ang mga directors nabpinangunahan nina Direk Joey Reyes, Jun Lana, Carlos Siguion-Reyna, Laurice Guillen, Ruel Bayani at iba pa.

Dr Carl kapuri-puri Ang adhikain

CarlCarl1​KAPURI-PURI ang adbokasiya ng successful businessman, educator, nurse, motivational speaker, record and film producer na si Dr. Carl Balita na siyangproducer ng panibagong advocacy film na “Siglo ng Kalinga” na dinirek ni Lemnuel Lorca under Dr. Carl Balita Productions in cooperation with the Philippine Nurses Association. Ang pelikula ay nagtatalakay ng plight ng mga nursing students and nurses in general hindi lamang sa Pilipinas kundi lahat ng mga Filipino nurses na nasa ibang bansa.

​Ang nakakatuwa sa pelikula, halos lahat ng mganagsiganap sa kanilang respective roles in the movie ay mga baguhan sa larangan ng pag-arte na ang karamihansa kanila, if not all ay mga professional nurses and doctors.

​Tulad ng ibang movie projects, ang lahat nanapasama sa movie ay nag-audition at sumailalim ng acting workshop bago sila humarap sa kamera at masaya ang producer na si Carl sa naging resulta at kabuuan ng pelikula which will start showing in theaters this May at inaasahang maipapalabas din sa iba’t ibang bansa.

AUTHOR PROFILE