Marco

Celebrity friends, masaya para kina Cristine at Marco

April 25, 2023 Vinia Vivar 346 views

Inilantad na rin sa publiko nina Marco Gumabao at Cristine Reyes ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Sa isang collab post nina Marco at Cristine nitong Lunes, nagbahagi sila ng mga sweet photo nila together na nagpapatunay ng kanilang relasyon.

Sa isang litrato ay makikitang magkayakap at hinahalikan ni Marco sa pisngi si Cristine habang nasa tabing-dagat sila.

In one photo ay magka-holding hands naman silang naglalakad. Sa isang larawan ay sweet pa rin silang magkayakap.

Caption ni Marco, “You are my home and my adventure all at once.”

Sinagot naman ito ni Cristine ng iba’t ibang emojis.

Sa comment section ay masayang-masaya ang netizens at maging kapwa-artista para sa dalawa kabilang na ang longtime friend ni Marco na si Julia Barretto.

Komento ng aktres, “Happy Marco.”

Nag-react naman ng tatlong heart emojis si Bea Alonzo.

“Ok ok ok happy for the both of you my jadda!” komento ni Billy Crawford.

Nagbigay din ng positibong reaksyon sina Yassi Pressman, Meg Imperial, Rhian Ramos, Dominic Roque, Isabelle Daza, Sue Ramirez at marami pang iba.

Matatandaang nagsimula ang ispekulasyon na may ‘something’ between Marco and Cristine noong nakaraang Marso nang maispatan sila sa Siargao na magkasama.

Matapos lumabas ang mga larawan nila na magkasama ay nakapanayam ng entertainment press si Marco sa isang presscon at natanong siya tungkol sa tunay na estado nila ni Cristine.

Hindi naman itinanggi ng aktor na lumalabas sila ni Cristine pero gusto raw muna niyang maging pribado sana ang kanilang relasyon.

AUTHOR PROFILE