Sunog Ang nagaganap na sunog sa Recto, Sta Cruz, habang inaapula ng mga bumbero ang apoy na umabot na sa ika-limang alarma at posibleng umakyat sa general alarm.

‘RECTO UNIVERSITY’ NASUNOG

January 31, 2024 Jonjon Reyes 189 views

HALOS maubos ang mga kabahayan sa naganap na sunog sa tinaguriang “Recto University” na pagawaan ng mga pekeng dokumento, tulad ng diploma at iba pang sertipiko, sa kahabaan ng Claro M. Recto Avenue sa tapat ng isang mall sa Sta. Cruz, Manila, Miyerkules ng hapon.

Umabot na sa ika-limang alarma ang nasabing sunog na nagsimula bandang 3:07 ng hapon sa naturang lugar.

Agad kumilos ang mga kapulisan ng Maynila at nagtungo sa lugar upang magbantay sa paligid at maiwasan ang karahasan.

Mabilis namang rumesponde ang iba’t ibang trak ng bumbero na nagsitungo sa lugar para apulahin ang sunog. Kabilang sa mga ito ay ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, kasunod ang mga fire volunteer.

Bukod dito, nakaantabay din ang mga ambulansiya ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO mula sa Lungsod ng Maynila at ng Philippine Red Cross.

Matatandaan na nasunog din noong nakaraang taon ang mga kabahayan sa nasabing lugar.

Gayunpaman, pasado alas-4:30 ng hapon ay patuloy pa ring inaapula ang naglalagablab na apoy ng mga bumbero, habang isinusulat ang balitang ito.

AUTHOR PROFILE