Rachel Thai cooking naman ang hinarap

May 29, 2022 Aster Amoyo 614 views

FORMER sexy star, painter. fitness enthusiast and Fire Queen Rachel Lobangco took a five-day Thai cuisine class at the Blue Elephant Cooking School in Bangkok, Thailand recently.

Rachel considers Bangkok as her second home where her mother, Elvie Pineda, entrepreneur and skin care guru maintains a home and a skin clinic for years.

Before showbiz, nakuha ni Rachel ang attention ng publiko sa pamamagitan ng kanyang hit “Sh-Boom Girl” TV commercial for San Miguel Beer in 1988. The following year, she was signed up by Seiko Films and was launched sa pelikulang “Kokak” in 1989. She continued doing sexy films at naging in-demand na leading-lady ng mga action stars until the`90s.

Rachel has an only daughter, Leona, her mini-me.

 

TexasTexas1

Meghan dinalaw ang shooting site

SOBRANG devastating ang nangyaring pamamaril ng isang 18-year-old na si Salvador Ramos sa loob ng Robb Elementary School in Uvalde, Texas nung nakaraang May 24 (Tuesday) ng umaga kung saan 19 na mga batang estudyante ang namatay (aged 10-11) kasama ang dalawang school teacher habang ang grandmother ng suspect ay binaril din niya sa forehead bago ang kanyang pamamaril sa loob ng paaralan at nasa critical na kundisyon. May 15 pang estudyante ang nasa pagamutan hanggang ngayon. Two days later after the school shooting incident ay namatay naman sa atake sa puso ang mister ng isa sa mga teacher na nasawi.

Ang Uvalde ay predominantly Latin community kaya pawang Latin-Americans ang mga nasawing bata at teachers.

Although napatay din ang suspect ng mga otoridad, kulang ang buhay nito sa rami ng mga inosenteng bata at teachers na kanyang pinatay.

Ang 29-year-old Latin American singer-actress at record producer na si Selena Gomez (who is from Grand Prairie, Texas) ay isa sa mga na-shock sa mga pangyayari at agad itong nagpaabot ng kanyang pakikidalamahati at pagkondena sa insidente sa pamamagitan ng kanyang Instagram account.

Marami naman ang ginulat ng dating American actress-turned Duchess of Sussex na si Meghan Markle nang un-announced itong dumating sa Uvalde, Texas malapit sa pinangyarihan ng krimen para ipakita ang kanyang pakikiramay sa pamilya ng mga nasawing bata at dalawang guro ng Robb Elementary School.

Nag-alay ng puting bulaklak si Meghan with purple ribbon na dumating na naka-puting t-shirt, maong jeans and rubber shoes with baseball cap. Kasama ni Meghan dumating ang head ng kanyang security na si Alberto Alvarez.

Hindi kasama ni Meghan ang kanyang mister, ang Duke of Sussex na si Prince William maging ang kanilang dalawang anak na sina Archie at Lilibet Mountbatten-Windsor. In-ignore naman si Meghan ang mga reporters na nagnais na siya’y makapanayam.

Samantala, dahil sa insidente, maraming mga Hollywood celebrities ang nanawagan sa mga mambabatas ng Amerika na magkaroon na ng gun control sa mga mamamayan ng Amerika dahil sa marami nang shooting incidents sa school at iba pang lugar in the past.

Sharlene may degree na

MASAYA ang dating child star na si Sharlene San Pedro dahil sa wakas ay nakapagtapos na siya ng kanyang pag-aaral ng Bachelor of Arts in Psychology sa AMA University and Colleges.

The 23-year-old singer, actress, host, vlogger and game streamer started her showbiz career in 2004 nang siya’y maging bahagi ng reality talent search na Star Circle Quest for kids in 2004 at siya ang pumalawa sa grand winner. Naging bahagi rin siya ng now-defunct hit kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at nagtuluy-tuloy siya sa kanyang pagiging child actress hanggang sa kanyang pagiging teen-ager at dalaga.

Magpatuloy man si Sharlene sa kanyang showbiz career, at least nakapagtapos na siya ng kolehiyo.

Nicole manalo o matalo maganda ang career

MANALO o matalo man si Nicole Budol na mas kilala as Herlene `Hipon Girl’ Budol sa showbiz sa kanyang Bb. Pilipinas pageant journey, secured na siya sa pagiging brand ambassador ng Black Water for 2022.

Si Herlene ay isa sa pitong candidates ng 2022 Bb. Pilipinas na napili para maging brand ambassadors ng Ever Bilena at iba pa nilang sister brands tulad ng Hyaloo, Spotlight Cosmetics, Hello Glow, Ever Bilena Organics, Careline at Black Water. Siya ang napiling Miss Black Water 2022 at may naghihintay na kontrata para sa kanya.

MonaMona

Mona kasama sa bagong series ni Ivana

MAPAPANOOD ang youngest sister ng sexy star at YouTube superstar na si Ivana Alawi na si Mona Alawi sa first lead TV drama series na “A Family Affair” kung saan tampok din sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jameson Blake at Jake Ejercito mula sa magkatulong na direksiyon nina Jerome Pobocan at Raymond Ocampo. Ang nasabing serye ay malapit nang matunghayan sa primetime ng Kapamilya channel.

Ang “A Family Affair” ay magsisilbing acting debut sa Kapamilya ni Mona na isa na ring successful vlogger tulad ng kanyang ate na si Ivana.

Si Mona ay gaganap as the young Cherryred, ang lead character na gagampanan ni Ivana na magkakaroon ng ugnayan sa kanyang `siblings’ na gagampanan nina Gerald, Sam, Jameson at Jake.

Ang “A Family Affair” ay magsisilbing first lead TV drama series ni Ivana sa Kapamilya channel.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE