Default Thumbnail

Puno para sa kinabukasan

November 28, 2022 Allan L. Encarnacion 299 views

Allan EncarnacionMARAMI na akong nakitang tree planting activities na alam mong hindi ganoon ka-sincere ang programa.

Iyong iba, naka-coat and tie, iyong iba naka-barong at iyong pa naman, talagang todong naka-pangwakas sa ganda ng kasuutan.

Nitong nakaraang Sabado, naimbitahan tayo sa tree planting activities ng kaibigan nating si Port of Batangas Collector Atty. Rhea Greogorio sa Sitio Bulihan, Barangay Tabangao Ambulong, Batangas City.

Programa ito ng Bureau of Customs (BOC) sa ilalim ng Customs Social Responsibility campaign ni Commissioner Yogi Filemon Ruiz.

Alas siyete ng umaga dumating si Commissioner Yogi na naka-maong walking shorts at naka-tsinelas. Nang magsalita siya sa pagsisimula ng programa, doon natin nalaman na by heart, magsasaka pala si Commissioner.

Sa unang tingin, iisipin mong nambobola lang si Commissioner Yogi na katulad ng ibang pulitiko na dumadalo sa tree planting activities.

Pero nang umarangkada na ang pagtatanim, totoo nga pala siyang magsasaka dahil alam ang gagawin.Sinabihan niya ang mga kasamang empleyado sa BOC na tanggalin ang plastic ng mga narra at molave pero tiyaking hindi mapuputol ang mother roots.

Si Commissioner mismo ang nagbungkal ng lupa gamit ang kamay at gardening tool. Palibhasa’y naka-shorts, kayang-kayang sumalampak sa madamong lugar. Walang kaarte-arte na nagtanim.

Maging si Atty. Rhea na siyang host ng programa ay nagtanim din ng mga puno. Sa pagsasalita ni Collector Gregorio, sinabi niyang ang Batangas ay palaging tinatamaan ng malalakas na bagyo kaya mahalagang magkaroon ng partitipasyon ang lahat sa pagtatanim ng puno na sasagip sa maraming lugar laban sa baha at kalamidad.

Nalaman natin na sa programang Ikaw, Ako at BOC noong Sabado, Nov 26 ay isinagawa pala ang nationwide tree planting na sinalihan ng lahat ng port at mga district collectors batay na rin sa direktiba ni Comm. Yogi.

Tugon pala ito ni Commissioner sa panawagan ni Pangulong Bongbong Marcos na dapat magsimula ang massive reforestation sa maraming kabundukan at kagubatan para maiwasan ang mga flash floods na kumikitil ng maraming buhay at sumisira ng mga ari-arian.

Kung ang lahat ng government agency ay gagawin ang massive tree planting tulad ng programa ng BOC, mas marami tayong puno para sa Kinabukasan na mapapakinabangan. Sabi nga ni Comm. Yogi, ang isang puno na pinakikinabangan natin ngayon ay itinanim 20 years ago pa kaya ang mga susunod na henerasyon naman ang makikinabang sa mga itinanim nilang puno noong nakaraang Sabado.

By the way, bago itong tree planting, kailan lang ay nagsagawa rin ang BOC ng medical mission, bloodletting, feeding program, vaccination at jobs fair sa mismong national office

Congratulations sa BOC at sa lahat ng mga opisyal at empleyado na nakibahagi sa tree planting sa buong bansa.

[email protected]