Default Thumbnail

OPS-PLM Off-Campus Program

November 28, 2022 Marlon Purification 469 views

Marlon PurificationPERSONAL kong pasasalamat ito sa lahat ng tumulong at nagtiyaga para maging posible ang Off Campus Program ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at ng Office of the Press Secretary (OPS).

Ang kursong Master of Public Administration (MPA) ay para sa mga empleyado ng OPS na makakakuha ng libreng matrikula.

Ang kagandahan, dahil ‘off-campus,’ sa labas ng Pamantasan gaganapin ang klase at napagkasunduang gagawin ito sa OPS office sa Times Plaza Building sa UN Avenue, corner Taft Avenue, Manila.

Noong nagdaang Huwebes ay pormal na nilagdaan ang Memorandum of Agreement (MoA) sa pagitan ng OPS at PLM officials na ginanap sa New Executive Building (NEB) sa Malacañan Palace.

Sinabi ni OPS Officer-In-Charge (OIC) Secretary Cheloy Garafil na ang pinirmahang MoA ay: “Testament to the commitment of the OPS to equip its personnel with education, skills, and values to provide better information and communication services to the public.”

“It is my hope that this program will further improve the way we deliver our services. Education and training are not luxuries; these are necessities in enhancing the best qualities of our employees,” ani pa ni Atty. Garafil.

Kasama ni OIC Secretary Garafil sa paglagda ng MoA sina PLM President Emmanuel A. Leyco, PLM Graduate School of Government Dean Noemi C. Gocuyo, gayundin ang inyong abang lingkod.

Nakatutuwang sinaksihan ito nina OPS Undersecretaries Maria Pamela A. Pedroche (Administration, Finance, and Procurement), Rowena M. Reformina (Broadcast Media Services and related agencies and GOCCs), Greggy N. Eugenio (Media Accreditation and Relations), at Atty. Eugene Henry C. Rodriguez (Operations, Plans, and Policies).

Kahit ang veteran journalist na kasalukuyang Director ng OPS for Special Concerns Benjamin R. Rosario ay sumaksi rin sa MoA.

Isinusulat ang artikulong ay 14 employees mula sa OPS proper ang nagpahayag ng intensiyong mag-enroll, gayundin ang apat pang mula sa Bureau of Communication Services (BCS) para sa Academic Year 2022 to 2023.

Lahat ng aspiring scholars ay kailangang pumasa sa requirements na inilatag ng OPS Human Resource Development Committee and the PLM.

Sa kanyang talumpati, tiniyak ni PLM President Leyco na ibibigay ng Pamantasan ang karampatang ‘quality education’ para sa OPS scholars.

“Sisikapin namin ang aming buong makakaya para magbigay ng tama, malawak na pag-aaral at bigyan kayo ng pagkakataon na gamitin ang sarili po ninyong pagsusuri upang tanggapin o gamitin ang mga tamang paraan ng pananaliksik upang tayo mismo ay magkaroon ng sarili nating paninindigan,” sabi pa ni Sir Leyco.

Sa ilalim ng MoA, magpapadala ng ‘billing’ ang PLM sa OPS para sa ‘assessed amount per trimester’ kada umpisa ng term. Kabilang na rito ang tuition, admission test fees, miscellaneous fees, comprehensive exam fees and development fund.

Ang klase ay gaganapin tuwing araw ng Sabado mula 8 a.m. hanggang 7 p.m. na uumpisahan na ngayong Disyembre.

Ngayon pa lang ay lubos na ang ating pasasalamat kina OIC Secretary Cheloy at mga kapwa ko undersecretaries ng OPS. Gayundin siyempre kina PLM President Leyco, Dean Noemi, Ma’am Dina Mendez, vice-president for Public Affairs, HEA Marietta Thomasina Angeline Porio; Ms. Kesha Anne Pernia, Sir Noel Alejo at siyempre sa kaibigan nating si Atty. Joe Ngaw na isa sa Board of Regent ng PLM.

Gusto ko ring pasalamatan ang mga masisipag na staff ni OIC Cheloy na sina HEA Maria Ruperta ‘Ms. Maru’ Aguilar; Ms. Minelyn Joy Denaco at sa photographer na si Ace Morandante.

Sa EA ni Usec Greggy na si Ms. Roda Magnaye; sina Atty. Glenn Ocampo, Atty. Mark Wayne Eubank at Atty. Tara Triztina Rama ng Office of the Administrative and Finance and Procurement. Sa HRDD na pinamumunuan ng hepeng si Ms. Rochelle Rubenicia, Christian Lagdaan, John Carlo Grace, Kylie Millesen Guzman at ang head coordinator ng Off-Campus Program na si Ms. Ericka Mae Villanueva.

Salamat sa PTV 4, lalo kina Allan Francisco, Ryan Jay Guevarra, Ferdinand Pablo; kay Radyo Pilipinas reporter Raquel Bayan at siyempre salamat din kay Usec Franz Gerard R. Imperial ng RTVM, gayundin sa mga technical people ng ‘Briefing Room’ lalo kay Jonathan Flores.

Sa Presidential Security Guard (PSG) lalo kay Lt. Col. Roverick Dr. Abalos na nag-accommodate para papasukin sa Palace grounds ang mga bisita mula sa PLM.

Higit sa lahat, gusto kong pasalamatan ang mga kasamahan ko sa OPS Special Concern tulad nina Asec Andrei del Rosario, Asec JV Arcena, Director Atty Ansherina ‘Kataw’ Francisco.

Lalo na ang mga masisipag na staff na sina Maryluz Jamella Blancaflor, Jetro Emmanuel SJ Pilares, Jezreel Benjamin Flores, Justin Diane Panganiban at ang napakasipag/matiyagang Executive Assistant 4 ng inyong lingkod na si Ms. Aiko Carongoy!

Matagal ko nang proyekto sa National Press Club (NPC) ang Off Campus Program. Kaya natutuwa tayo nang unang isulong ito nina dating PCOO USec Kristian Ablan at Atty. De Guzman kaya itinuloy natin ito sa OPS.

Muli, maraming salamat sa inyo mga Bossing and goodluck sa mga scholars ng OPS.