Default Thumbnail

Private players sagot sa problema sa kuryente

July 20, 2023 Tess Lapuz-Lardizabal 255 views

Tess LardizabalLAGING may takot ang mga Filipino sa pagbabago ngunit ang mga pagbabagong ito ang solusyon sa dekada ng mga problema.

Totoo ito sa power industry. Takot at hinahadlangan ng marami ang privatization ng electric utilities ngunit sa oras na maranasan ang kanilang serbisyo ay laking ginhawa pala.

Inihalimbawa ni Sen. Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Services, ang malaking kaginhawahan na sa Iloilo City nang hindi na irenew ang prangkisa ng Panay Electric Company(PECO) at ipasok ang new player na More Electric and Power Corporation(More Power) noong Pebrero 2020.

Nag-invest ng P1.5 billion ang More Power para palitan ang ‘ageing, obsolete at dilapidated’ na power distribution facilities sa Iloilo City kaya sa unang taon pa lamang ng kanilang operasyon ay natugunan na ang problema sa brownout, pasan na mataas na singil sa kuryente, malaking system loss, mga nakatagilid na poste at mapanganib na nakalaylay na mga power lines.

Mula sa dating P13 per kilowatt hour ay nasa P6.40 kwh na lamang ang singil sa kuryente sa Iloilo City na isa sa pinakamababang electricity rates sa buong bansa dahil natugunan ang systems loss factors, illegal connection ,power interruptions at overloading.

Ang solusyon talaga sa mga problema sa power sector ay pagkakaroon ng pondo para sa modernisasyon.

Walang pondo para sa modernisasyon ang lahat ng 121 electric cooperatives sa bansa. Hindi na makasabay ang kanilang mga pasilidad sa demand ng kasalukuyang panahon kaya ang resulta ay palyadong serbisyo.

Nagsasagawa ng joint investigation ang Senate Committee on Public Services at Committee on Energy sa mga nararanasang rotational brownouts sa Panay, Negros, Nueva Ecija, Northern Samar, Pampanga, San Isidro at San Jose sa Nueva Ecija, Calaca sa Batangas, Quezon province, Tabuk City sa Kalinga, South Cotabato, Maguindanao, Ozamiz, Lumban sa Laguna, Zamboanga City, Pangasinan, Tarlac, Marinduque, Camarines Norte, Echague sa Isabela, Zamboanga Sibugay, Masbate, Davao Oriental, Southern Leyte, Casiguran sa Aurora, at Bicol.

Pinuna ni Sen. Poe sa Senate Inquiry na ang mga electric cooperatives ay pinauutang ng pondo ng gobyerno at binibigyan ng incentives para maiayos ang serbisyo sa mga rural communities subalit hindi pa rin ito nakatutugon.

Aniya, hindi rin katanggap-tanggap na may electric cooperatives ang binibigyan pa ng milyon-milyong subsidy ng kanilang Local Government Units (LGUs) para makapag-operate.

Sa naging takbo ng imbestigasyon ay isa lang ang tinutumbok, sa dekadang problema ay modernisasyon ng pasilidad ang isa sa kailangan.

Ang mga Electric Cooperatives (ECs) ay pinangangasiwaan ng National Electrification Administration(NEA). Batay sa kanilang website, nitong Hunyo ay nag-extend ang NEA ng kabuuang P560.66 million loan assistance sa 18 electric cooperatives (ECs) ngunit sa kabila ng pagpapautang ng malaking pondo taon taon para palakasin ang technical, managerial capability at financial viability ng mga ECs ay andun pa rin ang katotohanan na kulang at limitado pa rin ang resources ng mga ito para sa infrastructure development.

Dahil sa limitadong resources ay hirap ang mga ECs na magpatupad ng bagong technologies at innovations kumpara sa malalaking private sector utilities na may malaking financial resources kaya may kakayahan ito mag-implementa ng agarang infrastructure upgrades, technological advancements at operational efficiencies na ang resulta ay maasahan at de kalidad na serbisyo.

Kaya isa sa nakikitang solusyon ni Sen. Poe ay ang pagpasok ng mga private players kagaya ng More Power na syang susi para mapabuti ang power service dahil na rin sa kanilang malaking capitalization.

Hindi tayo dapat matakot sa privatization ng mga electric cooperatives dahil nandyan ang ating Energy Regulatory Commission (ERC) na syang may regulatory oversight power upang tiyakin na naipatutupad ang quality standard, fair pricing at tiyakin na walang monopolistic practices.

(Paki-Like and Share sa: https:journalnews.com.ph/)