Default Thumbnail

Preso sa QCPD inaresto ng MPD sa kasong robbery

September 6, 2023 Jonjon Reyes 237 views

ISANG preso sa Quezon City Jail sa panulukan ng EDSA at Kamuning Road ang sinilbihan ng arrest warrant ng mga tauhan ng Warrant and Intel Section ng Manila Police District – Meisic Police Station 11, Martes ng hapon.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rexon Layug, Station Commander, ang suspek na si alyas Roel, residente ng Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila.

Batay sa ulat ni Police Major Joselito Delos Reyes, hepe ng Warrant and Intel Section, bandang 4 p.m. nang magtungo ang mga MPD operatives sa Quezon City Jail bitbit ang arrest warrant na inisyu ng Regional Trial Court , National Capital Judicial Region Branch 216 ng Quezon City na nilagdaan ni Judge Alfonso Ruiz lll.

Maliban sa naging kaso ng suspek ay may nakaninbin pang kaso ito na robbery holdup. Napag-alaman rin na kabilang ito sa talaan ng Most Wanted Person sa 3 counts ng robbery.

Iniutos naman ng korte na maglagak ng piyansang tig P100,000 ang akusado habang inaantay ang kaukulan dokomento sa kanyang kasong robbery.

AUTHOR PROFILE