
Pokwang nakapag-move on na, isinawalat ang dahilan ng breakup kay Lee
HINDI ikinakaila ng singer, comedienne, host at entrepreneur na si Pokwang (Marietta Subong in real life) na kahit nung wala pa siya sa showbiz ay tagahanga na siya ng actress-comedienne na si Eugene Domingo kaya malaking karangalan umano sa kanya na ito’y naging malapit niyang kaibigan matapos siyang tanghaling winner ng “Clown in A Million,” isang segment ng dating gag show na “Yes, Yes, Show” ng ABS-CBN. It was singer-comedian and host na si Eric Nicolas ang nagtulak sa kanya na mag-audition sa “Clown in A Million” kung saan siya ang tinanghal na winner nung 2004. Doon pa lamang ay nagalingan na kay Pokwang si Eugene.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nagkasama sina Pokwang at Eugene sa pelikulang “D’Lucky Ones” na pinagbidahan nina Sandara Park at Joseph Bitangcol at dito umano nagsimula ang closeness ng dalawa na dala-dala nila hanggang ngayon.
Sina Eugene at Pokwang ang mga pangunahing bida sa comedy movie na “Becky and Badette” mula sa panulat at direksiyon ni Jun Robles Lana under The IdeaFirst Company and October Train Production. Ang nasabing pelikula ay isa sa sampung official entries sa 49th Metro Manila Film Festival na magsisimula sa araw ng Pasko on December 25 at magtatapos ng January 7, 2024.
Bukod sa pagiging close na magkaibigan, mag-kumare pa ang dalawa dahil ninang si Uge (Eugene) ng bunsong anak ni Pokwang (sa American ex-partner nitong si Lee O’Brian) na si Malia.
Eugene was there for Pokwang nang may pinagdadaanan ito na may kinalaman sa kanilang paghihiwalay ng dati niyang American partner na si Lee. The separation happened in November 2021 na nag-ugat umano sa kanilang joint business noon. Minasama umano ni Lee nang kumprontahin siya ni Pokwang tungkol sa kanilang negosyo na ang singer-comedienne na rin mismo ang namuhunan.
Nakapag-move on na si Pokwang sa break-up nila ng ama ng kanyang bunsong anak and she’s working hard para mabigyan ng magandang buhay ang dalawa niyang anak na sina Mae at Malia. Si Mae ay anak ni Pokwang sa dating Japanese partner.
Eugene nakikiusap na tangkilikin ang pelikulang Pilipino
SAMANTALA, si Eugene Domingo ay naging sidekick ng Comedy Queen na si Ai-Ai de las Alas sa “Ang Tanging Ina” movie series nito na pinamahalaan ni Wenn Deramas mula 2003 hanggang 2010. Pero nung 2009 ay nagbida siya sa “Kimmy Dora” franchise at dito na rin naging sunud-sunod ang kanyang mga proyekto na siya ang pangunahing bituin.
Si Eugene ay nagsimula sa teatro kaya bitbit nito ang magandang discipline nang pasukin niya ang showbiz.
Kahit nagbibida na, the award-winning actress-comedienne at host doesn’t mind playing support roles to others which she also enjoys doing.
She’s grateful na nabigyan sila ni Pokwang ng pagkakataong pagbidahan ang isang kakaibang comedy film na “Becky and Badette” na kalahok sa 49th Metro Manila Film Festival.
“Isang malaking karangalan na isa ang movie namin ni Pokwang ang napasama sa mga entries ng Metro Manilla Film Festival,” pahayag pa ni Eugene.
“Tiyak na magi-enjoy ang mga manonood sa movie namin,” paniniguro pa niya.
Nakikiusap din si Eugene na tangkilikin ang lahat ng mga pelikulang Pilipino nang ito’y makabawi sa pagkakalugmok.
Andrea hinihintay ang paliwanag sa KathNiel breakup issue
NAGING national issue ang hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hanggang ngayon ay mainit pa ring pinag-uusapan sa apat na sulok hindi lamang ng showbiz kundi sa buong Pilipinas maging ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bansa.
Ngayon, marami ang naghihintay na magsalita na rin o magbigay ng kanyang mensahe sa kanyang social media account si Andrea Brillantes para pabulaanan ang mga balita na may kinalaman umano siya sa break-up nina Kathryn at Daniel maging ng dating magkasintahang Miles Ocampo at Elijah Canlas nang matapos na rin ang iba’t ibang espekulasyon dragging her name and putting her in bad light.
Hangga’t hindi kinaklaro ni Andrea ang kanyang pangalan ay patuloy na maglalabasan ang iba’t ibang espekulasyon na meron siyang kinalaman sa break-up ng dalawang showbiz couples.
‘Mamasapano’ nangunguna ngayon sa Netflix
MASAYANG-masaya ang Borracho Films producer na Atty. Ferdie Topacio na nanguna ang award-winning movie na “Mamasapano” sa Netflix. Isa ito sa mga dahilan kung bakit ganado ngayon ang nasabing film production na magpatuloy ng pagpu-produce ng iba pang pelikula laluna sa taong 2024.
Early next year ay tatapusin ng Borracho Films ang romantic-comedy movie na “Spring in Praque” na pinamamahalaan din ng “Mamasapano” director na si Lester Dimaranan at kung saan tampok na mga bituin ang Czech-Macedonian actress na si Sara Sandeva at Filipino actor na si Paolo Gumabao.
Bilang paghahanda sa iba pang proyekto ng Borracho, nag sign-up na rin ang kumpanya ng kanilang in-house talents na kanilang ibi-build-up for their future projects.
Ang “Mamasapano” at “Spring in Prague” ay kasunod sa pelikulang “Deception” na balik-tambalan ng dating magkasintahan na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez mula sa script ni Eric Ramos at direksyon ng award-winning director na si Joel Lamangan. The movie was a co-production ng Viva Films at Borracho Films.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” for notification. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X(Twitter)@aster_amoyo.