Pokwang

Pokwang, iginawa ng bagong IG ang anak

September 14, 2023 Vinia Vivar 198 views

May bagong hugot si Pokwang sa Instagram patungkol sa mga basher na ayaw siyang tigilan.

Sa kanyang post, inilahad ng komedyana ang hirap ng pagiging single mom pero sa kabila nito ay siya pa ang sinisisi ng mga tao sa failed relationship niya with her ex-partner.

“Ang hirap maging single mom lalo na sa panahon ngayon, ako lahat! gastusin, oras sa bata, emosyon, ako lahat! tapos nag failed ang relasyon ako parin ang nasisisi??” ani Pokwang.

Mensahe niya sa mga basher, huwag makisawsaw lalo pa’t hindi alam ng mga ito ang kanyang mga pag-iyak sa gabi.

“Bitter ka! move on kana! maging nanay ka muna bago mo i invalidate ang nararamdaman ng isang kagaya ko wag kang makasawsaw lang! hindi mo alam ang iyak ko sa gabi kapg nagiisa nalang ako, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Dios,” mensahe ng komedyana sa kanyang bashers.

Samantala, nakagawa na ng bagong IG account si Pokwang para sa anak na si Malia O’Brian at sinabihan niya ang followers na i-unfollow na ang dating account na hawak ng ex-partner niyang si Lee O’Brian.

“Hi guys this is it!!! Please follow Malia’s new IG account @malia_tisayngmasa18 and please paki unfollow ang old one na @malia_obrian block or better paki mass report kesa pakinabangan ng iba na walang silbi hahaahahaa salamat po…,” ang announcement at pakiusap ni Pokwang sa followers.

Iblinock na ni Pokwang ang unang IG account ni Malia dahil ayaw itong ipagamit sa kanila ng ama nitong si Lee.

AUTHOR PROFILE