Janella Larawan mula sa IG/@superjanella

Janella Salvador todo ‘fangirl’ kay Kitchie Nadal

September 14, 2023 People's Tonight 167 views

INAMIN ng singer-actress na si Janella Salvador na matagal na siyang tagahanga ng singer-songwriter at former lead vocalist ng alternative rock band na Mojofly na si Kitchie Nadal.

Nagkuwento sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 13, ang aktres ng kanyang fangirling journey. Isiniwalat niyang noong bata pa lamang ay idol na niya si Kitchie.

Kalakip ng kanyang post ang ilang video kung saan makikita at maririnig na kumakanta ang pitong taong gulang na Janella sa chart-topping single ng singer-songwriter na “Huwag na Huwag Mong Sasabihin.”

Pahayag ni Janella na naaala niya ang mga panahon kung saan paulit-ulit niyang pinapakinggan ang kanta ni Kitchie at kung paanong kinakanta niya ito sa mga auditions at events na kanyang sinasalihan. Pagbubuking pa nga ni Janella na maging sa concert ng idolo ay pumipila siya upang mapanood ito.

“I remember being 7 listening to her cassette tape over and over, singing this song every chance that I get for events and auditions & queuing up for one of her concerts,” pahayag ng aktres sa caption ng kanyang post.

May kasama ring larawan ang nasabing IG post. Makikitang kinikilig sa tuwa si Janella dahil kasama niya sa picture ang buntis niyang idolo na si Kitchie na hindi rin naitago ang ngiti.

“After 18 years… this little girl finally met @kitchienadal,” wika pa ni Janella.

Napaka komento naman ang mga netizens ng “cute” sa comment section dahil sa pagkikita ng dalawa.

AUTHOR PROFILE