Bela Screenshots mula sa IG/@chinitaprincess

Kim Chiu, Bela Padilla nag-bonding sa Switzerland

September 14, 2023 People's Tonight 215 views

NAGKITANG muli ang celebrity friends na sina Kim Chiu at Bela Padilla sa Switzerland.

Matapos ang performance niya sa Milan para sa “ASAP Natin ‘To”, ay bumiyahe patungong Zurich si Kim para sa kanilang heartwarming reunion ng kaibigang si Bela.

Ibinahagi ni “Chinita Princess” sa kanyang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 13, ang video ng kanilang pagkikita sa train station at pagsundo sa kanya roon ni Bela.

May hirit pa nga si Kim ay sa wakas daw ay nagamit na niya ang kanta ng singer-songwriter na si Jed Madela na “Forevermore” sa kanyang video na madalas gamitin ng mga magkarelasyon kapag magkikita sa airport.

“May sumundo sakin sa train station. Finally nagamit ko na din yung kantang to by @jedmadelaofficial !!! momsy @bela miss you sooo muchie !!!! Always here for you!‍♀️ pero yung bag ko tumakbo din kasi eh!!! Wahahahaha,” saad ni Kim sa caption ng video.

Sa Instagram stories ni Kim, makikita ang masayang pagbobonding nila ni Bela. Magkasama silang kumain at masayang kumanta pa nga sa loob mismo ng tren ang dalawa. Inamin pa nga ni Bela na hindi niya pa nagawa iyon ngunit masaya siyang kumanta kasama si Kim.

Nagbahagi rin ng mensahe si Bela sa kanyang Instagram post ng kanyang appreciation ng kanilang muling pagkikita ni Kim.

“So happy to share the last 24 hours with you @chinitaprincess you made me laugh more than I laughed the whole year and that’s exactly what I needed. Missing you @iamangelicap,” wika ni Bela sa caption ng kanyang post.

Si Kim Chiu, Bela Padilla, kasama ang kapwa aktres nilang si Angelica Panganiban ay may tight-knit friendship kung saan tinatawag pa nga nila ang kanilang grupo bilang “AngBeKi.”

AUTHOR PROFILE