Zeinab

Ama ni Zeinab ‘di pa bet ipatali anak kay Ray Parks: ‘It’s too early’

September 14, 2023 People's Tonight 239 views

SA pinaka-latest vlog ng internet personality na si Zeinab Harake, inamin ng kanyang businessman at Lebanese father na si Mohamad Harake na masyado pang maaga para sa anak at sa nobyo nitong Fil-Am basketball player na si Bobby Ray Parks Jr. para magpakasal.

“Papa, magpapakasal na kami,” saad ni Zeinab sa kanyang Papa Harake habang ka-video call si Ray Parks.

“Are you sure?” sagot ng ama ni Zeinab sa kanya.

Tinanong din nito si Ray Parks sa video call at sinabing, “are you ready, bro?”

“I’m praying,” sagod naman ng basketbolista.

“It’s too early, too early,” pahayag naman ni Papa Harake.

Gayunpaman, sinabi niya ring nais pa niyang makilala si Ray Parks at inulan pa nga niya ng papuri ang nobyo ng anak.

“We don’t spend time really together, talk together. Hoping to know you more better and more better. But, so far, the way I see you, you’re smart, charismatic, you know how to respect, you know how to [be] polite and you know how to slide. Very smart guy,” wika ng ama ng YouTube vlogger.

“It’s not a compliment; that’s the reality. That’s what I’m saying. You’ve got a gift, guys, from God. You know what they call it? Patience. You can wait. I’m telling you,” dagdag pa niya.

May pabirong hirit naman si Zeinab sa naging usapan ng dalawa at sinabing, “So ayun na nga, parang pinagtutulungan na ako ha, dalawang daddy ko, wait lang.”

Ang pinaka-latest vlog ni Zeinab na pinamagatang “My Last Vlog,” ibinahagi ng YouTube sensation na sandali muna siyang magpapaalam sa kanyang mga tagahanga na tinatawag niyang Zebbies, dahil ito muna ang kanyang magiging ‘last vlog’ dito sa Pilipinas. Magtutungo si Zeinab sa Lebanon kasama ang kanyang pamilya.

AUTHOR PROFILE