Donbelle Mga larawan mula sa IG/@dimplesromana

Dimples Romana, netizens kinilig sa harutan ng DonBelle

September 14, 2023 People's Tonight 211 views

PINAKILIG ng aktres na si Dimples Romana ang netizens matapos niyang ibahagi ang adorable at heartwarming pictures ng “New Gen Phenomenal Love Team” na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano o mas kilala bilang “DonBelle” sa Switzerland.

Sa kanyang Instagram page, nag-post nitong Miyerkules, Setyembre 13 ang celebrity mom ng ilang black and white na larawan habang kasama niya ang phenomenal love team sa isang restaurant sa Zürich.

“This kilig in Zürich,Switzerland just cause… (SWIPE LEFT)” pahayag ni Dimples sa caption ng kanyang post.

Makikita sa larawan ang nakatutuwang kulitan ng dalawa kung saan sinusubukang punasan ni Donny ang namantsahan niyang damit dahil sa kinain habang si Belle naman ay tinatawanan ang clumsiness na ito ng ka-love team.

Agad namang pinusuan ng netizens ang candid moments na ito ng dalawa dahil sa kanilang chemistry on at off-screen man.

Pinakita naman ng netizens ang kanilang kilig sa comment section ng post ni Dimples at nagpasalamat pa nga ang aktres sa pagpo-post ng mga larawang ito ng DonBelle.

“Miss Dimples hulog ka ng langit. Madamot po kasi yang dalawang yan haha.”

“Ang dami nanaman nating nakangiti sa relasyon ng iba.”

“It’s like a date with your daughter and her boyfriend. Cuteee.”

“ATE DIMPS ANONG GUSTO MONG REGALO SA PASKO? HAHAHAHAA THANKS FOR THIS.”

“Thank you Ms. Dimps for sharing! Marami na tayong kinikilig ngayon.”

“Salamat ate Dimps. Ikaw talaga ang pambato namin.”

AUTHOR PROFILE