Janella1 Larawan mula sa IG/@superjanella

Janella sa delivery rider: ‘Kuya huwag naman’

September 14, 2023 People's Tonight 298 views

HINDI napigilang magbigay ng reaksyon ang singer-actress na si Janella Salvador matapos siyang makatanggap ng nakakaloka at nakakatawang mensahe mula sa isang delivery rider guy.

Sa kanyang Instagram stories nitong Miyerkules, Setyembre 13, ibinahagi ng aktres ang mga mensaheng kanyang natanggap mula sa rider na magde-deliver ng kanyang order.

Nang dumating kasi ang nasabing rider sa address ni Janella, walang tao siyang nadatnan dahilan para padalhan ng mensahe ang singer-actress.

Pahayag ng rider na nandoon na siya sa bahay ni Janella at bayad naman na ang order nito.

Humirit naman ang delivery guy na dahil nga walang tao roon ay ibabato na lamang niya ang parcel sa pintuan ng bahay ng aktres.

Ma’am dito nko bahay nyo po.”

“Order nyo po”

“Bayad na”

“Wala po tao sa bahay nyo po”

“Hagis ko nlang po sa pinto salamat po”

Sagot na lamang ni Janella sa caption ng kanyang IG story ay, “Kuya wag naman.”

AUTHOR PROFILE