Aljur Larawan: Aj Raval/IG

Aljur, Aj Raval nagtukaan sa harap ng fans

September 14, 2023 People's Tonight 277 views

PINAULANAN ng halik ng aktor na si Aljur Abrenica ang kanya nobya na si Aj Raval, na mapapanood sa kumakalat na TikTok video.

Maririnig din ang sigawan ng fans dahil sa sobrang kilig na makita ang lambingan ng dalawa.

“Welcome natin siya, first time niya sa Canada,” sabi ng aktor habang hinaharana ang Viva Max queen.

Sa kalagitnaan ng sikat na kantang “Ikaw Lang” na inawit ni Aljur huminto muna ito saglit at hinalikan niya sa noo at sa labi si Aj.

Matatandaang si Aj ang unang nagbahagi ng relasyon nila ni Aljur sa publiko matapos itong paulit-ulit na tinatanong ng netizens. May mga tsismis din tungkol sa dalawa na mayroon na umano itong anak.

AUTHOR PROFILE