Malaya

PH-US joint patrol sa WPS nakatakda

August 5, 2023 Zaida I. Delos Reyes 163 views

POSIBLENG matuloy ang joint patrol operations ng Pilipinas at Amerika sa West Philippine Sea (WPS) bago matapos ang 2023.

Ito ang inihayag ni National Security Council assistant Director General Jonathan Malaya.

Sa ngayon, mayroon pang mga logistical issues na dapat ayusin at lutasin bago masimulan ang joint patrol.

Naniniwala ang opisyal na bago matapos ang taon masisimulan ang joint patrol operation.

Sa isang national summit, inihayag ng mga government officials ang kahalagahan ng WPS at ang benepisyong maidudulot nito mula sa mayamang karagatan na nasa palibot nito.

Noong Mayo, sinabi ni Philippine Ambassador to the United States Manuel “Babe” Romualdez na posibleng magsimula sa ikatlong quarter ng taon ang joint patrols sa pagitan ng Manila at Washington sa WPS.

Matatandaang nagdesisyon ang Pilipinas at Amerika na palawakin ang kooperasyon sa maritime security hindi lamang sa pamamagitan ng joint patrols.

Nauna rito, sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff General Romeo Brawner na nag-alok ang China na magsagawa ng joint military exercises sa Pilipinas.

Sa ngayon, pinag-aaralan pa ni Brawner ang alok na ipinakita sa kanya ni China’s ambassador Huang Xilian.

“They said they submitted some white papers. So we will have to study,” pahayag ni Brawner.