Default Thumbnail

‘PERYAHAN NG BAYAN’ LEGAL

June 13, 2022 People's Tonight 625 views

INIHAYAG ng Globaltech Mobile Online Corporation na magsasampa ito ng kasong libel at contempt of court sa Court of Appeals (CA) at Pasig City Regional Trial Court laban sa opisyal ng Philippine National Police (PNP) na magpapatuloy sa diumano’y paggiit na illegal gambling game ang “Peryahan ng Bayan.”

Sinabi ni Atty. Bernard Vitriolo, vice president for legal ng Globaltech na naalarma sila sa umano’y pagkalat ng walang basehan at maling impormasyon na ilegal ang “Peryahan ng Bayan”.

Ayon kay Vitriolo, ang kanilang kompanya ay may valid na Deed of Authority (DOA) na inisyu ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para magsagawa ng operasyon sa buong bansa.

Idinagdag pa niya na naglabas ang CA ng final at executory ruling na kumikilala sa standing status quo ante (SQA) na inisyu ng Pasig City Regional Trial Court na nagpapahintulot sa kanila upang makapagsagawa ng operasyon nationwide.

“Ang Court of Appeals ay nagpalabas ng kautusan na nagpapahintulot sa aming kompanya na magsagawa ng operasyon nationwide habang naka pending ang arbitration proceedings namin sa PCSO,” pahayag ni Vitriolo.

Binigyang diin ni Vitriolo na nakahanda silang magsampa ng kaukulang kaso sa sinumang opisyal na maglalabas ng statement na maituturing na “contemptuous” sa CA SQA order.

Ang reaksyon ng Globaltech ay kaugnay sa ipinalabas na pahayag kamakailan ng PNP para sa pagpapatupad ng “one-strike policy” laban sa police commanders na magpapahintulot sa operasyon ng Peryahan ng Bayan sa kanilang hurisdiksyon.

“We have to remind police commanders that there is a specific instruction from Executive Secretary Salvador Medialdea and PCSO (Philippine Charity Sweepstakes Office) chairperson Royina Garma that Peryahan ng Bayan operations are no longer authorized,” ayon sa pahayag ng PNP Director for Operations.

Matatandaan na tinukoy din ng pahayag na iniutos ni outgoing Interior and Local Government Secretary Eduardo Año sa lahat ng local government unit ang mahigpit na pagpapatupad ng ban sa operasyon ng Peryahan ng Bayan.

Dahil dito, sinabi ni Vitriolo na nakipag-ugnayan na sila sa tanggapan ni DILG Sec. Año upang ipaalam ang pinal na kautusan ng CA na nag- isyu ng SQA order na nagpapahinulot sa Globaltech na makapagsagawa ng operasyon ng Peryahan ng Bayan nationwide habang nakasalang ang kanilang kompanya sa arbitration sa PCSO kaugnay sa usapin ng DOA na ipinagkaloob nito sa Globaltech.

“Kailanman ay hindi kami nagsagawa ng ilegal na operasyon. Kami ay isang lehitimong kompanya na tumutupad sa aming obligasyon sa pamahalaan bilang isang korporasyon,” pagtatapos ni Vitriolo. #

AUTHOR PROFILE