Martin3 ISIP–Mismong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kasama sina Agusan Del Norte 1st District Rep. Jose “Joboy” Aquino at Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang namigay ng assistance package sa ilailm ng Integrated Scholarship and Incentives Program (ISIP) sa 2,000 youth beneficiaries sa Philippine Science High School Gymnasium sa Brgy. Tiniwisan, Butuan City. Layunin ng programa na bigyan ng financial na ayuda ang mga estudyanteng kapos sa pera pero pursigidong mag-aral. Dumalo din sa pamimigay sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe. Kuha ni Ver Noveno

PBBM, Speaker Romualdez pinuri sa pagpapalapit ng gov’t service sa tao

March 24, 2024 PS Jun M. Sarmiento 83 views

PINURI ni Sen. Ramon Bong Revilla, Jr. si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at House Speaker Martin Romualdez ukol sa proyektong magbubuklod sa mga sangay ng gobyerno na mapalapit sa taumbayan sa tulong ng mga lokal na pamahalaan.

Nasaksihan ni Revilla noong Biyernes kasama si Speaker Romualdez ang paglulunsad ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Butuan City, Agusan Del Norte.

Nilahukan ng mahigit 30,000 beneficiaries ang BFSF na nakatanggap ng pinansyal na tulong.

Mga magsasaka, mga kabataan na ginawang scholar ng bayan, maliliit na negosyante at iba’t-ibang sektor at miyembro ng lipunan na kailangan ng kalinga ang dumalo sa caravan.

Bukod pa cash aid, namigay din ng mahigit sa 200,000 kilos ng bigas para sa mga beneficiaries.

Ayon sa dating aktor, nagbibigay ng positibong mensahe at nagbibigay din ng pag asa para sa mga maliliit na negosyante ang ganoong caravan.

“Kaya isang malaking karangalan talaga na maimbitahan at makasama sila sa paghahatid ng tulong. Congratulations again kay PBBM at kay Speaker Romualdez,” dagdag ng senador.

Binanggit din ni Sen. Revilla na panimula pa lamang ang programa upang maabot ang ibat-ibang mga kababayan natin at para mahikayat sila na maghanap buhay at makapag bigay pag asa sa mga ito.

Inumpisahan ni Pangulong Marcos noong nakaraang taon, iikot sa mahigit na 82 probinsya ang caravan.