Quiboloy

PBBM: QUIBOLOY WALANG K

April 8, 2024 Chona Yu 85 views

Na maglatag ng kondisyon sa pagsuko sa awtoridad

BACOLOD CITY – Walang karapatan si Kingdom of Jesus Christ founder, Pastor Apollo Quiboloy, na magbigay ng kondisyon sa gobyerno bago harapin ang warrant of arrest na inilabas ng Davao Regional Trial Court dahil sa kasong sexual abuse.

Sa panayam sa Bacolod City, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na akusado si Quiboloy.

“It seems to be a little bit tail wagging the dog na siya ang magbibigay ng kondisyon sa gobyerno doon sa kaso niya, akusado siya. We will exercise all the compassion to Pastor Quiboloy. We’ve known him for a very long time. Ang maipapangako ko, all the proceedings will be fair,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Una rito, sinabi ni Quiboloy na nakipagsabuwatan si Pangulong Marcos sa pamahalaan ng Amerika para ibigay siya sa kanilang pangangalaga.

“Now as to the involvement of the United States, malayo pa ‘yan eh, that’s one to take years, so I don’t think it’s something he should worry about,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon kay Pangulong Marcos, wala ring banta sa buhay ni dating Negros Oriental Rep. Arnie Teves na nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

“The same thing. Sa lahat ng sinasabi ni Arnie Teves na takot siya sa buhay niya, wala kaming report na ganun. Walang nagbabanta sa buhay niya,” sabi ni Pangulong Marcos.

Nagtungo si Pangulong Marcos sa Bacolod City para sa pagbubukas ng P67.98-bilyong Cebu-Negros-Panay 230 kilovolt backbone project ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

AUTHOR PROFILE