Gunshot

Parak ‘nagbaril’ sa ulo sa firing range, dedo!

May 8, 2023 Bernard Galang 395 views

ISANG pulis ang nagbaril umano sa sarili sa isang firing range sa Pampanga noong Linggo.

Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay sa 42 anyos na pulis na nakatalaga sa Police Security and Protection Group (PSPG) at residente ng San Fernando Ville, City of San Fernando sa Pampanga.

Batay sa imbestigasyon ng San Fernando City police, dumating ang nasabing parak sa nasabing lugar at inupahan mula kay firing range officer Edwin Mendiola, 42, ng Purok 4, Bgy. Pulung Maragul, Angeles City, ang isang baril na may dalawang bala.

Inaasistehan ni Mendiola ang nasabing pulis sa fire range’s Bay 5 nang magulat ito nang biglang itutok ng pulis sa kanang bahagi ng sarili nitong ulo ang baril at kinalabit ang gatilyo.

Dead-on-the spot ang nasabing pulis.

Agad isinailalim sa paraffin test ang labi ng biktima upang alamin kung nagpakamatay nga ito o kung may foul play sa insidente habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.

AUTHOR PROFILE