Default Thumbnail

Isabela niyanig muli ng magnitude 5.1 lindol

May 8, 2023 Zaida I. Delos Reyes 159 views

MULING niyanig ng Magnitude 5.1 na lindol ang baybaying bayan ng Maconacon, Isabela nitong Linggo ng gabi.

Batay sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, ang lindol ay naramdaman dakong 7:36 ng gabi (Mayo 7) sa hilagang-Silangan ng Maconacon at nakapagtala ng anim na aftershocks.

Naitala ang Intensity V ng lindol sa Enrile Cagayan; Intensity IV sa Tuguegarao City; Intensity III sa Gonzaga, Cagayan; Intensity II sa Ilagan City, Tabuk City at Maddela sa Quirino; at Intensity I sa Casiguran at Baler sa Aurora, Laoag City, Pasuquin at Batac sa Ilocos Norte at Santiago City.

Matatandaang nitong Mayo 4 ay niyanig din ang Maconacon ng magnitude 5.8 na lindol.