Default Thumbnail

Lalaki chinop-chop iniwang naka-shorts, nakagapos!

May 8, 2023 Bernard Galang 308 views

ISANG lalaki ang pinagputul-putol ang katawan at iniwan sa tabi ng ilog sa Angeles City, Pampanga nitong Linggo.

Inaalam pa ang pangalan ng biktima.

Ayon sa Angeles City Police Station, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa pinagpira-pirasong katawan ng lalaki na inabandona sa gilid ng Abacan River sa Jaoville, Bgy. Pandan, Angeles City.

Isang residente na napadaan sa lugar ang agad na ipinagbigay-alam sa pulisya ang nakita.

Inilarawan ng pulisya ang biktima na may taas na 5’7, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng duguang Fubu na sando, kulay abo na shorts at nakatali ang mga kamay gamit ang nylon cord.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya sa pagkakakilanlan ng biktima habang ang mga miyembro ng Scene of the Crime Office ay patuloy ang pagproseso sa lugar ng krimen para sa ikalulutas ng kaso.

AUTHOR PROFILE