Mamasapano

Paolo, napahamak sa TikTok video

November 8, 2022 Vinia Vivar 323 views

Kahit kinasuhan ng SAF (Special Action Force) ang ilan sa cast ng Mamasapano: Now It Can Be Told ng illegal use of uniform, ayon sa isa sa mga nasangkot na aktor na si Paolo Gumabao, may natutunan siya because of this.

“Well, I learned one lesson – ‘di na ako magti-Tiktok next time kapag alam kong may suot na insignia,” natatawang sabi ni Paolo sa mediacon ng Mamasapano: Now It Can Be Told held last Monday.

Kwento ni Paolo ay nag-post siya ng Tiktok video na siyang pinagbasehan ng reklamo.

“Nagsimula ‘yun dahil sa Tiktok video ko na suot ko ‘yung uniform ng SAF, and I was dancing. So, na-offend sila do’n which I understand naman. So, ako, lesson learned na, hindi na po mauulit,” sey ni Paolo.

Ginaya raw niya ‘yung trending TikTok video ni Joshua habang nakasuot ng uniform.

“Noong una, hindi naman siya pinapansin, pero noong time na pin-promote na namin ‘yung film, nagulat ako, may nagpadala sa bahay ng subpoena. Sabi ko, ‘ano to, prank?’” kwento ni Paolo.

Nagpapasalamat naman ang aktor na hindi sila pinabayaan ng kanilang producer na si Atty. Ferdinand Topacio at inayos nito agad ang kaso’t na-dismiss naman agad.

Natuwa rin si Paolo na hindi na lumaki pa ang issue.

Hindi rin naman daw siya natakot dahil alam niyang nasa tabi nila si Atty. Topacio.

Ginagamapanan ni Paolo sa Mamasapano ang role na isa sa SAF soldiers.

Kasama rin sa pelikula sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Ritz Azul, Gerald Santos, Marco Gomez, Allan Paule, Rey Abellana, Rez Cortez, Claudine Barretto, and Myrtle Sarroza mula sa direksyon ni Lester Dimaranan.

Showing sa Dec. 25, ang Mamasapano: Now It Can Be Told ay official entry sa Metro Manila Film Festival 2022.

‘LOVE IS US,’ PATOK SA NETIZENS

Damang-dama ng GMA Network ang pagmamahal ng fans para sa kanilang latest Christmas Station ID (CSID) na Love is Us this Christmas matapos itong makakuha ng mahigit 1 million views in less than 24 hours sa Facebook.

Tampok sa full-length video ang brightest Kapuso stars sa pangunguna nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Alden Richards, Bea Alonzo, Heart Evangelista, at Jessica Soho.

Sa ngayon, mayroon nang mahigit 1.5 million views, 22,000 reactions, 2,000 comments, at 3,000 shares ang CSID sa GMA Network Facebook page.

Todo puri ang netizens sa Kapuso holiday video na sumentro sa tunay na kahulugan ng pagmamahal ngayong Kapaskuhan.

Bahagi rin ng makabuluhang mensahe nito ang pagbibigay ng pag-asa sa mga Pilipino na muling makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

“’Eto talaga ang inaabangan ko every Ber months, ‘yung Christmas Jingle ng GMA. It makes me feel na I’m home kahit malayo ako sa family. Let’s appreciate ourselves, our friends and our family because Love is Us this Christmas. It makes me emotional sa part na lahat sila nasa church because despite all our problems, hindi dapat natin makalimutan si God,” saad ng ilang avid viewers sa Facebook page ng Kapuso Network.

Panoorin ang ‘Love is Us this Christmas’ sa official GMA Network Facebook at YouTube accounts.

AUTHOR PROFILE