Paolo

Paolo lumaki na may dalawang ama

November 8, 2022 Aster Amoyo 801 views

Paolo1

MODEL-actor Paolo Gumabao was already 15 years old when he found out that Taiwanese businessman Pao Chen was not his real father. He only learned about his biological father accidentally when he overheard his mom talking to his aunt about actor Dennis Roldan being his father. Nang makuha na niya ang mga impormasyon na kailangan niyang malaman ay saka siya lumapit sa dalawa na nagulat sa bigla niyang paglabas.

Ang buong akala ng mom ni Paolo na si Sheryl Sorreta na magagalit sa kanya ang kanyang anak at magwawala ito. Pero hindi ganun ang ginawa ng anak at sa halip ay tinanong siya kung may mga dapat ba siyang malaman.

Sa tulong ng isang kaibigan ng kanyang ina, sikretong kinontak ni Paolo si Dennis na hindi pa nakakulong noon. Nung unang tawagan ni Paolo si Dennis ay mixed emotions ang naramdaman ng batang actor kaya umatras siya. A few months later, nilakasan na ni Paolo ang kanyang loob para muling kontakin si Dennis. When he finally got to talk to his father ay agad siyang inimbitahan na magkita sila sa isang lugar (Home Depot) in Pasig. Nang magkita sila, sinipat-sipat ni Dennis si Paolo mula ulo hanggang paa at saka nito sinabi ang mga katagang “Anak nga kita!” at saka sila nagyakapan. Pagkatapos nito ay agad siya isinama ni Dennis sa kanilang bahay pero naiwan muna siya sa sasakyan at mag-isang pumasok ng bahay si Dennis para kausapin ang kanyang pamilya.

Maya-maya ay seninyasan siya ni Dennis na lumabas na ng sasakyan at saka siya ipinakilala sa wife ng kanyang ama na si Loli Imperial at mga anak na kinabibilangan nina Michelle, Marco , Margarita, Marielle at Katrina.

Kakaibang saya ng puso ang naramdaman ni Paolo dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay marami pala siyang mga kapatid bukod pa sa kanyang isang half-brother na si Ryan sa kanyang Taiwanese step-dead.

“They were so warm and welcoming!” pahayag ni Paolo sa aming exclusive na panayam sa kanya para sa aming online talk show, ang “TicTALK with Aster Amoyo”

In an instant, he realized that he has a big family pala. Yung unang pagkikita nina Paolo and Dennis with his family ay naging simula ng kanilang bonding.

Paolo was already seeing his biological father and his family nang malaman ng kanyang mom na si Sheryl na natuwa rin for him.

Naging close man kay Paolo si Dennis at pamilya nito, hindi niya tinalikuran ang kanyang respeto at pagmamahal sa kanyang step-dad na si Pao Chen whom he calls Papa dahil minahal siya nito bilang isang tunay na anak along with his half-brother na si Ryan.

Ang kanyang stepdad din ang kanyang kinamulatang ama nang siya’y magkaisip.

Paolo was born in the Philippines pero one-year-old pa lamang siya nang mag-relocate sa Taipei ang kanyang mom at step-dad. He speaks Taiwanese language fluently like any locals. But in grade school, nakaranas siya nang pambu-bully sa kanyang mga classmates and schoolmates dahil sa kanyang kakaibang looks until he was in Grade 6.

There were also times na tinitingnan niya ang kanyang sarili sa salamin why he looks different sa kanyang (half) brother na si Ryan maging sa kanyang mga ka-klase. Minsan ay hinila niya sa kanyang mga daliri ang gilid ng kanyang mga mata para magmukha siyang singkit but later on he justified himself na nagmana siya sa kanyang mom while his brother Ryan sa kanyang Papa Pao.

Paolo admitted to us na pitong taong gulang pa lamang umano siya ay gustong-gusto na umano niyang mag-artists at sinasabi umano niya ito sa kanyang mom at Papa Pao. But they just ignored it.

But when he returned to the Philippines para dito na magpatuloy ng kanyang pag-aaral, doon niya na-realize na gusto niyang i-pursue ang kanyang pangarap na mag-artista.

Inamin sa amin ni Pao na crush niya si Anne Curtis at idolo umano siya ang actor-comedian-host na si Vhong Navarro at pinanood umano niya ang lahat ng movies na ginawa nito. Big fan din umano siya ng Canadian-American actor-comedian na si Jim Carrey.

When he met his manager na si Manny Valera in 2014 ay agad siya isinama sa solo launching TV series ni Janella Salvador, ang “Oh My G!” na sinundan ng first appearance niya sa “Maalaala Mo Kaya,” “Mga Batang Poz,” “Huwang Kang Mangamba,” “Click, Like, Share,” another guesting on MMK and finally, his role as Noah sa tumatakbong hit primetime TV fantasy series na “Mars Ravelo’s Darna” kung saan si Jane de Leon ang pangunahing bituin.

Nakagawa na rin ng ilang pelikula si Paolo tulad ng “The Firefighters,” “Haunted Mansion,” “My Bebe Love: Kilig Pa More,” “I Love You To Death,” “That Thing Called Tadhana,” “The Debutantes,” “Horoscope,” “Lockdown,” “Silip Sa Apoy,” “Sisid” (both on Vivamax) and his very first lead load in a movie, ang true-to-life movie na “Mamasapano (Now It Can Be Told),” isa sa walong entries ng 2022 Metro Manila Film Festival. Ito’y dinirek ni Lester Dimaranan mula sa script ng award-winning writer na si Eric Ramos under Borracho Films na pinamumunuan ni Atty. Ferdie Topacio. Tampok din sa nasabing pelikula sina Edu Manzano, Aljur Abrenica, Rey `’PJ’ Abellana, Allan Paule, Jojo Abellana, Ritz Azul, Myrtle Sarroza, Claudine Barretto at marami pang iba.

MarcoPaolo3Paolo2

Although pangalawang movie na niya ito (after “Haunted Mansion”) in 2015 na kasama sa MMFF, first time niya ito as lead actor para sa pelikulang “Mamasapano (Now It Can Be Told)”.

Paolo looks forward to a brighter 2023 hindi lamang para sa kanyang sariling career kundi para sa lahat lalupa’t unti-unti na ring bumabangon ang ating industriya at ekonomiya.

Ang isa pang nilu-look-forward ng young actor ay ang magkatrabaho sila ng kanyang brother na si Marco Gumabao sa isang proyekto.

Gusto rin niyang makapag-portray ng iba’t ibang challenging roles in the future and he looks up at the late Eddie Garcia na napakahusay sa pagiging bida at kontrabida at bilang director. Sa mga batang actor, isa rin ang actor-politician na si Arjo Atayde sa mga hinahangaan niya.

At 24, Paolo is loveless. Kahihiwalay lamang nila ng kanyang ex-girlfriend last September but it was a short relationship though dahil tumagal lamang ito ng apat na buwan.
“Career ang focus ko sa ngayon,” aniya.

Atty. Topacio may opinyon tungkol sa MMFF

ATTY. Ferdie. Topacio admits na napakaraming challenges ang pinagdaanan ng “Mamasapano” movie which took them more than two years to finish labas pa rito ang napakalaking production cost ng pelikula but he’s proud sa kinalabasan ng pelikula.

“Sana tanggalin na sa rules ng MMFF (Metro Manila Film Festival) ang first day-last day policy sa mahihinang movie during the filmfest para mabigyan ng fair chance ang mga kalahok na pelikula,” pahayag niya.

“Sa ibang bansa, if it’s a filmfest, sabay-sabay nabibigyan ng pagkakataon ang mga kalahok na pelikula,” dugtong pa niya.

Samantala, super excited si Paolo na lumahok sa Parada ng mga Artista sa darating na December 21 na gaganapin sa Quezon City.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE