Mulach

Pamilya Muhlach, bibida sa family sitcom ng Viva at TV5

January 27, 2024 Ian F. Fariñas 155 views

Mulach1KASADO na ang partnership ng Viva Entertainment at TV5 para sa multi-project venture na pangungunahan ng isang family sitcom tampok ang pamilya Muhlach ng mag-asawang Aga at Charlene at kambal na anak na sina Atasha at Andres.

Sa katatapos na contract signing na dinaluhan mismo ng Viva big boss na si Vic del Rosario at TV5 chief Manny Pangilinan, napag-alaman na binubuo na ang family sitcom na pagbibidahan ng pamilya Muhlach at magsisimula na silang mag-taping very soon.

Ayon kay Charlene, apat silang nagdesisyon na tanggapin ang alok.

Pinasalamatan din ng beauty queen-turned-actress sina Boss Vic, MVP at ang lahat ng bumubuo ng Viva at TV5 sa pagtanggap sa kanila bilang parte ng pamilya.

Dagdag pa ni Charlene, “We really look forward to this venture that we’re doing. And just to share a story, this is our first project that Aga and I have done since we got married aside from the TV commercials that we’ve done as a family. So this is the first project that we are doing as husband and wife and with our children. So we’re very happy and excited to do it here on TV5 and with all of you. Maraming, maraming salamat sa napakagandang tanggap n’yo po sa amin, maraming salamat!”

Magandang balita’t sorpresa ito sa fans at followers ng kambal nina Aga at Charlene na sina Atasha at Andres.

Ibig sabihin kasi, tuluyan nang sasabak ang dalawa sa pag-aartista.

Si Atasha, medyo nakauna na sa limelight bilang co-host sa Eat Bulaga ng TV5 at may single na ring na-release sa ilalim ng Viva.

Si Andres naman, inaabangan ng fans dahil papatapos pa lamang siya sa kursong Business and Communications sa isang university sa Spain.

Gaya ng nabanggit ni Aga sa recent mediacon ng movie nila ni Julia Barretto, Ikaw Pa Rin ang Pipiliin Ko na showing na sa February 7, game na game siyang makatrabaho sina Atasha at Andres sa telebisyon.

Pero out muna ang pelikula, aniya, dahil mas gusto niyang makita ang mga ito on their own.

“Parang I just want them to just be their own,” direktang sabi pa ng OG hearttrob at matinee idol.

Anyway, bukod kina Boss Vic at MVP, present din sa Muhlach family contract signing ang magkapatid na Vincent at Valerie del Rosario ng Viva, pati na si Jane Basas ng MQuest Ventures, Inc. at TV5.

AUTHOR PROFILE