‘Pag-rebisa ng mga batas sa pabahay panahon na’

January 19, 2022 Jun I. Legaspi 243 views

PANAHON na para rebisahin ang mga batas na may kaugnayan sa programang pabahay, kabuhayan at iba pang mga policy, ayon kay dating dating Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) assistant secretary Meira Buan.

Ayon kay Buan, na siyang first nominee, president at chairperson ng Home Owner Partylist, kapag nanalo sila sa May 2022 national and local election kanyang tututukan ang mga problema ng 47,000 home owners association sa buong bansa.

Aniya, kabilang sa mga pangunahing reresolbahin ng kanilang partylist ang mga problema sa samahan ng mga magkakapit bahay tulad ng election, isyu sa mga pondo na madalas pag awayan, magna carta na mahabang panahon ng hindi pa naaamyendahan, edukasyon, medical, karapatan ng mga seniors, single moms, at pabahay sa komunidad.

Nakahanda ang kanilang grupo na maging bibig at kakampi ng mahihirap at lahat ng mga polisiya at legislative ay babatasin nila para sa kapakanan ng bawat home owners association.

Paliwanag pa nito, sa ilalim ng act for proclamation land ang idle land ng Pilipinas ay iko-convert nila sa mga housing project para sa 6.6 million kailangang pabahay.

Magiging prayoridad din nila ang maging legal ang mga home owners association sa mga informal settlers na may 5 taon ng naninirahan sa isang lugar sa ilalim ng DHSUD.

AUTHOR PROFILE