Tolentino

PA cadets nanguna sa Visayas Leg ng ROTC Games 2024

June 5, 2024 People's Tonight 79 views

ANG mga kadeteng atleta mula sa Philippine Army ang lumabas bilang top performers sa katatapos na Visayas qualifying leg ng Philippine Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Games 2024, na ginanap sa Bacolod City.

Nakakuha ang mga kadete ng Philippine Army ng kabuuang 204 medalya, na binubuo ng 74 ginto, 60 pilak, at 70 tansong medalya. Nagpakita rin ng kahanga-hangang talento ang Philippine Navy cadet athletes, na nakakuha ng kabuuang 129 medalya, kabilang ang 43 ginto, 35 pilak, at 42 tanso. Samantala, ang Philippine Air Force cadet athletes ay nakakuha ng impresibong 149 medals, na may 20 gold, 44 silver, at 51 bronze.

Binati ni Senador Francis ‘Tol’ Tolentino, nagsisilbing honorary chairman ng ROTC Games, ang lahat ng mga kadete na atleta sa kanilang natatanging pagganap at pagiging sports.

Nagpahayag din ng pasasalamat si Tolentino sa lahat ng local government units na nag-host ng iba’t ibang venue ng kompetisyon.

AUTHOR PROFILE